01/11/2018
Sa mga kasama natin na pupunta sa sementeryo, munting paalala po. Unang una, huwag pong hipak ng hipak na parang grand finals na sa cloud competition lalo na sa lugar na maraming tao, hindi po kasi lahat ng tao ay pabor sa ma-v***r na paligid at sa amoy ng ating v***r. Mag stealth va**ng hanggang maaari, v**e responsibly. Don’t be insensitive kaibigan. Pangalawa, huwag basta magtapon ng bote ng e-juice kung saan saan, hindi po yan beha ng sigarilyo (para sa mga smart ass, maski na beha pa ng yosi kung nagyoyosi ka pa, mamimilosopo ka pa eh). Maging ehemplo tayo sa mga barbarians na pitik ng pitik ng yosi pag solb na. Pangatlo, ingatan ang inyong mga personal v***rizers. Nagkalat ang mga malilikot ang kamay na supling ni satanas, hindi lamang sa mga sementeryo, andiyan lang sila nag-iintay ng tiyempo. Pang-apat, charge your batteries (para di ka na magdala pa ng charger) at ilagay sa tamang lalagyan (battery case) para maiwasan ang aksidente. Mahirap magkasunog sa sementeryo, patay na sila mada dry burn pa, wawa naman. Pang lima, magdala ng tubig. Stay hydrated kaibigan, mainam din pangontra sa stun baka ma nic buzz ka ng hindi inaasahan. At pang anim, kung may makita ka o makasalubong na kapwa v**er, batiin mo (tanguan mo o micro wave o kindat) wag lang sa mahalay na paraan. Malay mo asa sementeryo pala magiging best budd mo. Ayun lamang po at nawa’y maging ligtas at maganda ang araw para sa ating lahat at sa sansinukob.