Rapids Journal

Rapids Journal We are committed to spread the informative news, to the people through equal, truth and justifiable news with dignity and integrity.

To become good neighbors to all people while giving information so that no one will be left behind.

12/09/2026

Cong Amben Amante, binigyang-diin ang malaking tulong ng P200-K pondo sa bawat barangay

Santa Cruz, Laguna— Binigyang-diin ni Laguna 3rd District Representative Loreto “Amben” Amante ang malaking maitutulong sa mga barangay ng pondong nagkakahalaga ng ₱200,000 bawat barangay, bilang bahagi ng programa ng administrasyong Marcos.

Isinagawa ang programa noong Setyembre 11, 2026 sa Laguna Sports Complex sa Santa Cruz, Laguna, na pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Governor Sol Aragones.

Ayon kay Cong. Amben Amante, mahalaga ang naturang pondo dahil bibigyan nito ng pagkakataon ang bawat barangay na matukoy at maisagawa ang mga proyektong higit na kinakailangan ng kanilang mga residente.

“Malaking tulong ito sa mga barangay, lalo na sa mga proyektong kailangan nilang maisagawa. Ang mga barangay chairman mismo ang makapipili kung saan gagamitin ang pondo, depende sa pangangailangan ng kanilang barangay,” pahayag ni Amante.

Sa ilalim ng programa, 681 barangay ang makikinabang sa tig-₱200,000, na nangangahulugang aabot sa ₱136.2 milyon ang kabuuang pondong ilalaan para sa mga barangay.

Bukod dito, isinagawa rin ang pamamahagi ng bigas para sa mga solo parent, persons with disabilities (PWDs), at mga iskolar ng Laguna bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga sektor ng lalawigan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Amante sa Pangulong B**g B**g Marcos sa pagpapatupad ng programang aniya’y direktang makatutulong sa mga barangay at kanilang mga nasasakupan.

Iginiit ng mambabatas na ang patuloy na pagtutulungan ng pambansang pamahalaan at Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ay mahalaga upang matiyak na ang mga programa at tulong ay makarating sa mga komunidad na higit na nangangailangan

12/09/2026

Cong. Ann Matibag, Binigyang-diin ang Suporta ng National Government sa 681 Barangay ng Laguna

Santa Cruz, Laguna— Binigyang-diin ni Laguna 1st District Representative Ma. Rene Lourdes Ann Matibag ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na suporta ng pambansang pamahalaan upang matiyak na direktang napapakinabangan ng mga Lagunense ang mga programa at tulong ng gobyerno.

Sa kanyang pahayag sa isinagawang distribusyon ng tulong pinansyal at bigas noong Setyembre 11, 2026 sa Laguna Sports Complex, Santa Cruz, Laguna, sinabi ni Matibag na mahalaga ang pagkakaisa at koordinasyon ng national at local government sa paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.

Kabilang sa pangunahing tulong ang ₱200,000 na ilalaan sa bawat isa sa 681 barangay sa Laguna, bilang bahagi ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “B**gbong” Marcos Jr.

Ayon kay Matibag, malaking tulong ang naturang programa dahil direktang naibaba sa mga barangay ang pondo na maaaring magamit para sa mga pangangailangan ng kanilang mga komunidad.

«“Magandang bukas po—atin ang magandang bukas dito sa Lalawigan ng Laguna,” ani Matibag, habang ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa pambansang pamahalaan, partikular kay Pangulong Marcos, sa patuloy na paglalaan ng pondo para sa mga lalawigan, bayan at barangay.»

Binigyang-pugay din ng kongresista ang pangunguna ni Executive Secretary Ralph Recto at ang pakikipagtulungan ni Laguna Governor Sol Aragones upang maisulong ang pagbaba ng pondo at mga programa ng national government sa Laguna.

Bukod sa pondong ilalaan sa 681 barangay, namahagi rin ng bigas sa mga solo parent, persons with disabilities (PWDs), at mga iskolar ng Laguna bilang dagdag na suporta sa mga sektor na nangangailangan.

Para kay Matibag, patunay ang naturang programa na kapag nagtutulungan ang national, provincial at local governments, mas mabilis na nakararating ang tulong sa mga ordinaryong mamamayan.

Iginiit niya na mahalagang ipagpatuloy ang ganitong koordinasyon upang mas maraming pamilya at sektor sa Laguna ang makinabang sa mga programa at serbisyong inilaan ng pamahalaan.

11/09/2026

₱200K TULONG SA BAWAT BARANGAY NG LAGUNA, HATID NG PAMBANSANG PAMAHALAAN

SANTA CRUZ, LAGUNA – Tiniyak ni Laguna Governor Sol Aragones ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga sektor na higit na nangangailangan ng tulong, kasabay ng isinagawang pamamahagi ng bigas para sa mga Persons with Disabilities (PWDs), solo parents at mga iskolar ng lalawigan.

Isinagawa ang programa sa Laguna Sports Complex sa Santa Cruz, Laguna, na dinaluhan ni Vice Governor Atty. JM Carait, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga mayor ng mga lungsod at munisipalidad, mga kinatawan ng Kongreso mula sa apat na congressional districts at lone district ng Laguna, gayundin ng mga barangay chairman mula sa buong lalawigan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Aragones ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan upang maihatid ang mga programa at tulong hanggang sa mga barangay at direktang mapakinabangan ng mga mamamayan.

Kabilang sa malaking tulong na inihayag sa programa ang ₱200,000 para sa bawat barangay sa Laguna at ang kalahati ng halaga ay para sa 5 skolars, na nagmumula sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand “B**gbong” Marcos Jr., sa pangunguna ni Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay Aragones, malaking bagay ang naturang pondo dahil magkakaroon ang bawat barangay ng karagdagang resources upang maisakatuparan ang mga proyektong tutugon sa pangangailangan ng kanilang mga residente.

Binigyang-diin din ng gobernador na bahagi ng tungkulin ng mga public servant ang paglalaan ng oras, lakas at resources para sa mga programang direktang makatutulong sa mga mamamayan, lalo na sa mga panahong maraming kinakaharap na pagsubok.

“Sa buhay, hindi binibilang kung ano ang nawala. Sa buhay, ang yaman ay kung ano ang natira,” mensahe ni Aragones, kasabay ng paghikayat sa mga benepisyaryo na pahalagahan ang mga natatanggap na tulong at gamitin ang mga ito para sa kapakanan ng kanilang pamilya at komunidad.

Bukod sa ₱200,000 na ilalaan sa bawat barangay, kabilang din sa mga programang tampok sa pagtitipon ang pamamahagi ng bigas para sa mga PWD, solo parent at iskolar ng Laguna.

Nagpasalamat si Aragones sa pambansang pamahalaan, partikular kay Pangulong Marcos at Executive Secretary Ralph Recto, sa patuloy na suporta sa lalawigan ng Laguna.

Iginiit ng gobernador na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng national government, provincial government, mga lungsod at munisipalidad, at mga barangay, mas maraming programa at serbisyo ang maihahatid nang direkta sa mga Lagunense.

Sa mensahe ni Aragones, malinaw ang paninindigan ng pamahalaan na ang mga programa at tulong ay dapat umabot sa bawat barangay at mapakinabangan ng mga kababayang higit na nangangailangan.

10/09/2026

Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, pinalalakas ang mga gawaing pagtulong; Pangako ni Gob. Sol: Walang maiiwan na taga-Laguna

SANTA CRUZ, LAGUNA – Pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gobernador Sol Aragones ang pamamahagi ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat at mga pagbaha dulot nito. Noong Huwebes, ika-10 ng Setyembre, dinala ng pamahalaan ang tulong sa mga sentro ng paglikas sa mga lungsod ng San Pedro at Biñan.

Pinangunahan ni Luibic Jacob, Pinuno ng Tanggapan ng Pampublikong Ugnayan, kasama ang mga tauhan ng tanggapan at pangkat ng operasyon ang pamamahagi ng agarang tulong sa tatlong sentro — dalawa sa San Pedro at isa sa Biñan — para sa mga pamilyang pansamantalang naninirahan doon.

"Malinaw ang utos ng Gobernadora: siguraduhing ligtas ang bawat taga-Laguna na apektado at maabot sila ng tulong," pahayag ni Jacob.

Ang mga sumusunod na lugar ay tinulungan noong Setyembre 10:

- Barangay Cuyab, Lungsod ng San Pedro
- Barangay Landayan, Lungsod ng San Pedro
- Barangay Malaban, Lungsod ng Biñan

Isinagawa ang mga gawain sa maayos na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng barangay upang masig**ong diretsong natatanggap ng mga benepisyaryo ang tulong at agad na natutugunan ang mga kakulangan.

Binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan na hindi ito pansamantalang gawain lamang. Tiniyak ni Gob. Aragones na magpapatuloy ang suporta hangga't may mga pamilyang nawalan ng tirahan dulot ng kalamidad.

"Sa ilalim ng temang Gobyernong May Solusyon, hindi kami titigil sa pagtulong sa ating mga kababayang taga-Laguna, lalo na sa panahon ng mga kalamidad," pahayag ng Gobernador.

Nakiusap din ang Tanggapan ng Pampublikong Ugnayan sa publiko na ipaalam kung may mga pamilyang nangangailangan pa rin ng tulong mula sa pamahalaan, bilang pagtupad sa pangakong walang maiiwan. (PIO-Laguna)

Photo Credit: PIO Laguna

09/09/2026

GAD Team Building, Isinagawa sa Farm Ko; K&A Travel and Tours, Nanguna sa Facilitation

Dolores, Quezon — Isang makabuluhang Gender and Development (GAD) Team Building ang isinagawa noong September 5, 2026 sa Farm Ko, Dolores, Quezon, na dinaluhan ng mga g**o at kawani mula sa mga paaralan ng Pila District at Matalatala Integrated National High School.

Layunin ng aktibidad na mapalalim ang kamalayan ng mga g**o sa kahalagahan ng Gender and Development, partikular sa pagsusulong ng gender equality, inclusivity, respeto at pantay na oportunidad sa loob ng paaralan at komunidad.

Bukod sa learning sessions at GAD-related discussions, naging bahagi rin ng programa ang iba't ibang team-building activities at interactive games na naglalayong palakasin ang teamwork, communication, trust at camaraderie ng mga kalahok.

Mahalaga ang ganitong mga aktibidad para sa mga g**o dahil hindi lamang sila tagapagturo, kundi mahalagang bahagi rin ng paghubog ng isang ligtas, inclusive at gender-responsive na learning environment para sa mga mag-aaral.

Samantala, naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad ang K&A Travel and Tours, na nag-facilitate ng team-building activities at tumulong sa pagbuo ng isang masaya, organisado at makabuluhang experience para sa mga dumalo.

Sa pamamagitan ng kanilang professional coordination at engaging team-building activities, nakatulong ang K&A Travel and Tours na gawing mas memorable ang bonding at learning experience ng mga g**o.

Ipinakita ng GAD Team Building na ang pagkakaroon ng pagkakaisa, respeto at malasakit sa bawat isa ay mahalagang pundasyon sa pagbuo ng isang mas matatag at gender-responsive na paaralan.

K&A Travel and Tours — your partner in creating meaningful, engaging and memorable team-building experiences.

📍 Farm Ko, Dolores, Quezon
📅 September 5, 2026

CHIZ: BROADER, UNIFORM DEFINITION OF INDIGENCY TO MAKE GOV’T. SERVICES MORE ACCESSIBLESenator Francis “Chiz” Escudero ha...
09/09/2026

CHIZ: BROADER, UNIFORM DEFINITION OF INDIGENCY TO MAKE GOV’T. SERVICES MORE ACCESSIBLE

Senator Francis “Chiz” Escudero has called for a broader definition of indigency to grant more Filipinos access to government services, saying current standards are too narrow and fail to capture the realities faced by many households.

In his podcast “Chiz Wiz! Usapang May Laman” aired over the weekend, Escudero noted that indigency is often equated with membership in the Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps, leaving out families who may not be income‑poor but are unable to absorb medical or litigation costs.

He pointed out that under current laws, “indigency” lacks a uniform definition, varying across the different government agencies that define it.

Barangays issue certificates of indigency in accordance with the Local Government Code, the Public Attorney’s Office aligns its threshold with the Philippine Statistics Authority metrics, while the 4Ps law relies on the Department of Social Welfare and Development’s targeting system to identify poor households.

“Indigency, therefore, should also be defined by circumstance, and not just income,” he said.

Read Full Story
https://rapidsjournalnewspublishing.blogspot.com/2026/09/chiz-broader-uniform-definition-of.html

08/09/2026

Libreng Serbisyo, Iikot sa mga Bayan ng Laguna Ngayong Setyembre

LAGUNA — Isang serye ng libreng serbisyong pangkalusugan at iba pang tulong para sa mga Lagunense ang ilulunsad ngayong Setyembre sa pangunguna ni Laguna Governor Sol Aragones.

Kabilang sa mga serbisyong ihahatid sa mga komunidad ang libreng medical check-up, ECG, X-ray, ultrasound, dental services, konsultasyon sa doktor at libreng gamot.

Mayroon ding libreng visual acuity examination, flu vaccination, at health tips mula sa mga eksperto.

Bukod sa serbisyong pangkalusugan, magkakaroon din ng libreng legal consultation at pagtanggap ng mga kinakailangang dokumento para sa Medical Burial Assistance.

Layunin ng programa na mailapit mismo sa mga mamamayan ang mga serbisyong kailangan nila. Iikot ang programa sa mga bayan sa buong lalawigan ng Laguna upang mas maraming residente ang makinabang.

Magsisimula ang serye ng serbisyo ngayong Setyembre. Hinihikayat ang mga Lagunense na mag-abang sa opisyal na schedule ng pagpunta ng programa sa kanilang bayan.

📌 Para sa opisyal na schedule, updates at iba pang detalye, mag-abang sa official page ni Governor Sol Aragones.

Serbisyo para sa bawat Lagunense, mas inilalapit sa bawat komunidad.

📹credit: Sol Aragones page


Rapids Journal Vol. 3 No. 35 September 7-13, 2026 issueServices OfferedPUBLICATION OF:➡️Advertisement➡️Correction of Fir...
07/09/2026

Rapids Journal Vol. 3 No. 35 September 7-13, 2026 issue

Services Offered
PUBLICATION OF:
➡️Advertisement
➡️Correction of First Name / Gender / Date of Birth
➡️Extra-Judicial Settlement
➡️Deed of Sale
➡️Notice of Loss
➡️Motor Vehicle Change of Ownership




CARD Indogrosir opens 100th branch in Cavite to continue empowering local sari-sari stores CARD Indogrosir Executive Vic...
07/09/2026

CARD Indogrosir opens 100th branch in Cavite to continue empowering local sari-sari stores

CARD Indogrosir Executive Vice President Frederick Nicasio Torres (centermost) during the opening of the 100th branch in Trece Martires, Cavite, emphasizing their commitment to helping local microentrepreneurs thrive. CARD Indogrosir Inc., the grocery distributor arm of CARD MRI in partnership with Indonesia’s Salim group, opened its 100th branch in Trece Martires, Cavite on July 31, 2026, serving local households and microentrepreneurs. As commercial convenience stores and shopping marts continue to expand across urban communities, CARD Indogrosir’s 100th store is strategically located in Trece Martires to help sari-sari store owners stay competitive. By providing wholesale products at lower prices, the branch expects to serve over 2,000 sari-sari store owners and other related businesses in the area. Sari-sari stores remain essential to daily Filipino life, offering tingi (small-quantity) purchases and informal credit for families trying to stretch tight budgets. Beyond convenience, these neighborhood stalls also serve as vital social hubs for local communities.

Read full story
https://rapidsjournalnewspublishing.blogspot.com/2026/09/card-indogrosir-opens-100th-branch-in.html

07/09/2026

Address

Brgy. Del Remedio
San Pablo City
4000

Telephone

+639300144451

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rapids Journal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Rapids Journal:

Shortcuts

Share