06/07/2026
๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ป || ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป: ๐๐ฅ๐ก๐๐ฆ ๐ฐ๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐ท๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ผ๐, ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ก๐๐ฆ๐ฃ๐๐ฅ๐ โ๐ฎ๐ฒ
Magsulat. Mag-ulat. Magmulat.
May mga akda na basta na lamang sinusulat ng mga panulat, ngunit mayroon ding mga panulat na kayang bumuo ng kamalayan, nagpapahayag ng katotohanan, at nagsisilbing tinig ng mga hindi naririnig.
Ito ang layuning isinabuhay ng Del Remedio National High School (DRNHS) sa idinaos na INKSPIRE 2026: Campus Journalism Workshop noong Hulyo 4, 2026โisang araw na hindi lamang nakalaan sa paglinang ng husay sa pagsusulat, kundi sa paghubog ng mga kabataang handang maging responsable, mapanuri, at makataong mamamahayag.
Sa bawat talakayan, bawat payo, at bawat pahinang napuno ng mga bagong kaalaman, unti-unting nahasa ang kakayahan ng mga kalahok sa iba't ibang larang ng campus journalismโmula sa pagsulat, pagwawasto, broadcasting, hanggang sa editorial cartooning at photojournalism.
Ilan sa mga naging tagapagsalita ng workshop sina Ronnel De G. Guia, isang dating staff ng DelRem Gazette na nagbahagi ng kanyang kaalaman sa Feature Writing, Column/Editorial Writing at Science and Technology Writing. Kasama rin si Mark Anthony G. Lavarro, na nagturo tungkol sa News Writing at TV Scriptwriting and Broadcasting. Samantala, ibinahagi naman ni Kim Arnie D. Gesmundo, School Paper Adviser ng DelRem Gazette, ang kanyang mga karanasan at kasanayan sa Copyediting and Headline Writing, Sports Writing, Editorial Cartooning, at Photojournalism.
Para kay Gesmundo, higit pa sa paghahanda para sa kompetisyon ang tunay na layunin ng isinagawang programa.
"Bilang SPA at sa tulong ng DelRem Gazette staff, isinagawa ang workshop upang mahasa ang mga kalahok sa iba't ibang categories ng campus journalism. Hindi naman ako lubos na umaasa na maging mahusay na agad ang staff ng Gazette pagkatapos ng isang upuan dito. Ito ay umpisa pa lamang ng kanilang paglago at pagmamahal sa pamamahayag,โ aniya.
โNawa rin na hindi manatili sa isipan ng staff na para lang sa kompetisyon kaya sila narito, sapagkat ang mga matututunan nila rito ay magagamit nila sa tunay na buhayโkabilang na ang critical thinking, pag-verify ng fake news, pagiging mulat sa lipunan, at pagkilos para sa bayan," dagdag pa niya.
Patunay ang kanyang mensahe na ang pamamahayag ay hindi lamang tungkol sa paglikha ng mga artikulo, kundi tungkol din sa paglinang ng responsibilidad at integridad bilang mamamayan.
Hindi rin nawala ang pananabik at inspirasyong dala ng workshop sa mga miyembro ng publikasyon.
Ayon kay Ida Bathan, Managing Editor ng pahayagan, naging daan ang programa upang higit niyang mapalawak ang kanyang kaalaman bilang manunulat.
"Bilang isang manunulat, natutunan ko ring maging mapanuri, malikhain, at responsable sa pagbabahagi ng impormasyon. Ang mga kasanayang ito ay hindi lamang makatutulong sa aking pag-aaral kundi maging sa aking personal na buhay at sa aking magiging propesyon sa hinaharap," saad niya.
Sa pagtatapos ng programa, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Nadine Ramos, Editor-in-Chief, sa lahat ng mga tagapagsalita, tagapag-organisa, at mga kalahok na naging bahagi ng matagumpay na workshop.
Sa likod ng bawat kuwaderno, kamera, at panulat ay may mga kabataang patuloy na hinuhubog upang maging mga tagapaghatid ng katotohanan. Sapagkat ang tunay na layunin ng pamamahayag ay hindi lamang ang makapagsulat ng magagandang kuwentoโkundi ang maging ilaw sa gitna ng ingay ng maling impormasyon at maging tinig ng isang lipunang naghahangad ng pagbabago.
Sa bawat tintang dumadaloy sa papel, unti-unting isinusulat ng kabataang mamamahayag ng DRNHS ang kanilang sariling kuwentoโisang kuwentong may layunin, may katotohanan, at may pag-asang magbibigay-liwanag sa susunod na henerasyon.
Isinulat nina: Cheska Jeline Julia at Axcel Corpuz
Kuha nina: Nadine Ramos, Ida Bathan, Keisha Mendez, Reila Tegio, at Kate Manlapaz