SPC News Network

SPC News Network Your City. Your Story. Your News.

NAKA POST NA BA KAP? SINU-SINO BA ANG NABIGYAN?
14/09/2026

NAKA POST NA BA KAP? SINU-SINO BA ANG NABIGYAN?

12/09/2026

SNN FLASH REPORT: ACTING VICE MAYOR BARBIE DIAZ, PATULOY UMANONG HINAHARASS NG MGA DI KAALYADO SA KONSEHO — OMBUDSMAN NAGSALITA NA

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya hinggil sa kung sino ang dapat maupo bilang presiding officer ng Sangguniang Panlungsod matapos ang sunod-sunod na pagbabago sa pamunuan ng lungsod.

Nauna nang naiulat na nang maupo si Acting Mayor Carmela Acebedo na hindi otomatiko na si Councilor Barbie Diaz ang uupo dahil pagbobotohan pa daw. Pero malinaw sa batas na dapat ay si Councilor Barbie Diaz ang aako sa tungkulin bilang Acting Vice Mayor bilang bahagi ng succession sa pamahalaang lungsod.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang usapin sa loob ng konseho. May ilang netizens naman na nananawagang ituon na ng mga opisyal ang kanilang panahon sa serbisyo publiko at mga programang pangkaunlaran sa halip na sa patuloy na alitan sa pulitika.

07/09/2026

SERBISYO PUBLIKO: DINGGIN ANG PANAWAGAN

FLASH REPORT | T.E.K. PROGRAMS, TULOY ANG SERBISYO PARA SA BAYANSAN PABLO CITY — Patuloy na isinusulong ng administrasyo...
03/09/2026

FLASH REPORT | T.E.K. PROGRAMS, TULOY ANG SERBISYO PARA SA BAYAN

SAN PABLO CITY — Patuloy na isinusulong ng administrasyon ni Mayor Najie Gapangada Jr. ang T.E.K. Programs: Trabaho, Edukasyon at Kalusugan, kasabay ng ceremonial turnover ng mga bagong ICU equipment at ICU beds para sa San Pablo City General Hospital.

Sa tulong ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, nadagdagan ang kakayahan ng ospital na magbigay ng kritikal na pangangalaga sa mga San Pableño.

Sa kabila ng limitadong pondo ng lungsod, patuloy na naghahanap ang pamahalaang lungsod ng mga katuwang upang maisakatuparan ang mga programang direktang pakikinabangan ng mamamayan.

Hindi lamang kagamitan ang naidagdag. Dagdag itong kapasidad, dagdag na pag-asa, at higit sa lahat, dagdag na pagkakataong makapagligtas ng buhay.

T.E.K.: Trabaho. Edukasyon. Kalusugan. Patuloy na serbisyo, Para sa Bayan.




AI GENERATED POST NA MAY MALING NUMERO AT BARANGAY, ISANG TRAP SA AKUSASYON NI ACTING MAYOR CARMELA ACEBEDO: MAYOR NAJIE...
24/08/2026

AI GENERATED POST NA MAY MALING NUMERO AT BARANGAY, ISANG TRAP SA AKUSASYON NI ACTING MAYOR CARMELA ACEBEDO: MAYOR NAJIE NAPATUNAYAN AGAD NA NAGSISINUNGALING SI ACEBEDO

SAN PABLO CITY — Umani ng reaksiyon mula sa ilang barangay ang inilabas na AI-assisted data matapos nilang kuwestiyunin ang ilang numerong hindi umano tugma sa aktuwal na ayudang kanilang natanggap. Ayon sa gumawa ng posting, may ilang numerong sinadyang baguhin upang makita kung magkakaroon ng reaksiyon at kumpirmasyon mula sa mga barangay nakatanggap pero tahimik sa pagtanggap ng ayuda. Ang kanilang reaksyon ayon sa gumawa ay isang confirmation na hindi totoo ang sinasabi ng kampo ng Acting Mayor Carmela Acebedo na ₱23M na ayuda ay tinago at di pinamigay.

Napansin din ang pagbanggit sa isang AI-generated na pangalan ng barangay, na ayon sa gumawa ay bahagi rin sa plano sa reaksiyon ng publiko. Aniya, “Sa maling pangalan ng barangay o ₱500 na halaga ng ayuda, mabilis ang reaksiyon; pero bakit tahimik sa mga isyung umaabot umano sa daan-daang milyon?” Binanggit din niya ang usapin ng mga sasakyang narecover na milyon ang halaga ng bawat isa at sinasabing para sa mga barangay ng San Pablo ngunit umano’y napunta sa ibang barangay sa ibang bayan subalit mga tahimik ang kampo nila Acebedo.

Para sa mga tagasuporta ni elected Mayor Najie Gapangada Jr., mahalaga ang naging reaksiyon dahil kung mismong mga barangay ang kumukumpirmang nakatanggap sila ng ayuda, kailangan umanong malinaw na ipaliwanag kung paano nabuo ang alegasyon ni Acting Mayor Carmela Acebedo na may ₱23 milyon na hindi naipamahagi o “itinago.” Para sa kanila, umaayon ito sa paliwanag at mga dokumentong inilatag ng Barangay Affairs sa pamumuno ni G. Ambet Palomado.

Ayon sa gumawa ng post, ang taktika na ito ay tinatawag na Rhetorical Trap / Strategic Baiting (Retorikal na Bitag): Ang pagsadya ng paglalabas ng exaggerated o maling datos bilang "pain" upang mag-react ang kalaban. Kapag dumaing o nagwasto ang accuser sa maling numero, ang sarili nilang reaksyon o pagkontra ang nagiging pampublikong patunay na hindi nagtutugma o walang basehan ang kanilang orihinal na akusasyon. Dahil ayon sa nagpost mas mabilis at mas gustong "iwasto" ng tao ang isang maling pahayag kaysa sumagot sa karaniwang tanong. Sa pamamagitan ng pagsasalita ng maling datos, napipilitan ang kabila na ilabas ang tunay na cards o detalye para lang patunayan na mali ka—na sa huli ay nagagamit laban sa kanila, ito ang Cunningham's Law. Ayon sa nagpost ginamitan nila ng isang uri ng Canary Trap (Barium Meal Test) para lumitaw ang katotohanan mula sa kampo mismo ng kalaban. Ang Contradictory Exposure / Self-Inculpation o ang paggamit ng reaksyon ng tao bilang ebidensya ng kanilang sariling kontradiksyon. Sa pag-react nila sa ginagawang "maling anggulo," napipilitan silang magsalita ng mga detalyeng pormal na pumapawi o nagpapabagsak sa naunang maling ibinintang nila. Sa huli napatunayan ng kampo nila Mayor Najie na nagsisinungaling ang kampo nila Acting Mayor Carmela sa kanyang mga paratang.

24/08/2026

NETIZENS: KUNG TOTOO ANG ₱23-M AYUDA ISSUE, IKASO AT PATUNAYAN; HUWAG PURO FACEBOOK POSTS NA SUMISIRA SA IMAHE NG SAN PABLO

SAN PABLO CITY — Nanawagan ang ilang netizens sa kampo ni Acting Mayor Carmela Acebedo na kung may sapat na batayan ang alegasyong may tinatayang ₱23 milyong halaga ng ayuda na umano’y hindi naipamahagi, nararapat itong dalhin sa tamang ahensya o hukuman at suportahan ng malinaw na dokumento at ebidensya, sa halip na manatili lamang sa paulit-ulit na posts at paratang sa Facebook.

Ayon sa mga netizens, ang seryosong usapin tungkol sa pondo ng bayan ay hindi dapat gawing bahagi lamang ng social media warfare. Kung may paglabag, dapat magsampa ng kaukulang reklamo at hayaang ang mga awtoridad ang magsiyasat at magpasya batay sa ebidensya. Kung walang sapat na patunay, ang walang tigil na pagpapalitan ng alegasyon ay maaari lamang makasira hindi lamang sa mga personalidad na sangkot kundi maging sa reputasyon ng buong Lungsod ng San Pablo.

Giit nila, dapat pairalin ang simpleng prinsipyo ng pananagutan: ang nag-aakusa ang may obligasyong magpatunay. Kaya kung may alegasyon laban kay elected Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr. o kaninuman, ilabas ang mga audit findings, distribution records, inventory, listahan ng beneficiaries, at iba pang opisyal na dokumentong magpapatibay sa paratang.

Kasabay nito, nanawagan din ang netizens na anumang alegasyon laban naman kay Acting Mayor Acebedo o sa mga taong kaugnay ng kanyang opisina ay dapat ding dumaan sa parehong pamantayan ng ebidensya at tamang proseso.

Para sa kanila, panahon nang ilayo ang San Pablo sa walang katapusang pulitikal na bangayan. Kung totoo, ikaso. Kung may ebidensya, ilabas. Kung nag-aakusa, patunayan. Huwag gawing hukuman ang Facebook, dahil sa huli, ang nasisira ay hindi lamang isang politiko kundi ang pangalan at tiwala sa Lungsod ng San Pablo.

SNN FLASH REPORT: DILG, SILIPIN DIN ANG MGA ANAK NG KONSEHAL NA NASA PAYROLLInatasan ng DILG sa Negros Occidental na isa...
22/08/2026

SNN FLASH REPORT: DILG, SILIPIN DIN ANG MGA ANAK NG KONSEHAL NA NASA PAYROLL

Inatasan ng DILG sa Negros Occidental na isauli ang ₱20,000 scholarship na natanggap ng mga kamag-anak ng ilang barangay officials dahil sa posibleng nepotism at conflict of interest.

Kasabay nito, panawagan ng publiko na pareho sana ang pamantayan sa lahat.

Kung mahigpit ang DILG sa ₱20,000 scholarship, dapat ding imbestigahan ang mga alegasyong may anak ng mga konsehal na naka-payroll bilang security aide kahit nag-aaral at umano’y hindi regular na pumapasok o aktuwal na nagseserbisyo sa City Hall.

Simple ang dapat patunayan: May aktuwal bang serbisyo kapalit ng sahod ng bayan?

Kung wala, hindi lamang nepotism ang usapin kundi posibleng ghost payroll at misuse of public funds.

Walang dapat exempted sa accountability.

SSN FLASH REPORT: LUMALABAS NA MANIPULATED ANG PANINIRA LABAN KAY MAYOR NAJIE DAHIL MALINAW NA DAPAT MANAGOT AY GSO AT C...
21/08/2026

SSN FLASH REPORT: LUMALABAS NA MANIPULATED ANG PANINIRA LABAN KAY MAYOR NAJIE DAHIL MALINAW NA DAPAT MANAGOT AY GSO AT CDRRMO

Ayon sa MAIBA NAMAN MOVEMENT at sa FB Page ni Mayor Najie, kailangang malinaw kung aling tanggapan at opisyal ang may direktang responsibilidad sa bawat isyung ibinabato kaugnay ng mga ayuda ng lungsod.

Una, ayon sa kanilang paliwanag, iba umano ang ayudang tinukoy ng COA na hindi pa naipamamahagi at ito ay nasa CDRRMO. Dahil dito, iginiit nilang ang CDRRMO at ang mga opisyal na direktang nangangasiwa rito ang dapat unang magpaliwanag kung bakit hindi pa ito naipamigay, sa halip na agad isisi kay Mayor Najie.

Ikalawa, ipinakita naman ng mga documented photos at records na naipamahagi naman ang malaking bahagi ng ayudang inilaan noong kapaskuhan, bagama’t umabot hanggang 2026 ang distribution dahil sa naging proseso at pagkaantala sa pag-apruba ng konseho at pagpapatupad ayon sa procurement law.

Ikatlo, ang natitirang ayuda para umano sa mga barangay tanod at magsasaka ay nakatakda sanang ipamahagi noong Hulyo matapos dumating ang bigas, ngunit naabutan ito ng preventive suspension ni Mayor Najie, na bigla naman pinag-aalis ng Acting Mayor ang mga taong naatasan para ipamahagi ito. Kaya paano ito ipamimigay ng mga tauhan ng elected Mayor ganong kahit ang pumalit sa nasuspendi ding Acting Mayor ay inalis din ang mga taong dapat mamigay nito at ang naglabas pa ng Memo para magbitiw ang mga tinalaga ni elected Mayor Najie Gapangada Jr.

Samantala, sa isyu ng margarine na malapit nang mag-expire, iginiit ng grupo na kailangang suriin ang responsibilidad ng GSO at inspectorate/acceptance team. Sila ang karaniwang nasa frontline ng inspection at acceptance ng deliveries. Kung may produkto umanong hindi pasado sa specifications o may hindi katanggap-tanggap na shelf life, dapat itong ma-detect, ma-reject o mai-report bago tanggapin at bago pa makarating sa distribution stage. Ganon pa man, malinaw na hindi pa expire at pede pa ring ipamigay, talaga lamang ginawan ng isyu para mapasama ang imahe ni Mayor Najie.

Sa Arias v. Sandiganbayan, kinilala ng Korte Suprema na hindi makatwirang asahan na ang isang head of office, gaya ng mayor, ay personal na susuri sa bawat detalye ng libo-libong dokumento at transaksiyon. Maaari siyang umasa, sa makatwirang antas at nang may good faith, sa trabaho, certifications, inspections at rekomendasyon ng kanyang mga subordinate at technical officers.

Ibig sabihin, ang pirma o approval ng Mayor lamang ay hindi awtomatikong patunay na siya ang may kasalanan sa pagkukulang ng implementing, inspection o procurement personnel.

Kaya ang mahalagang tanong ay hindi lamang “Sino ang pumirma?” kundi:

Sino ang bumili? Sino ang nag-inspect? Sino ang tumanggap? Sino ang nag-certify na maayos ang produkto? Sino ang may direktang tungkuling makakita at mag-report ng problema? At may sapat bang dahilan noon upang malaman mismo ng Mayor na may irregularidad?

Ayon sa mga netizens, lumilinaw na ang ginagawang demolition job laban kay Mayor Najie, upang mabawi lamang nila ang trono ng kapangyarihan na mahigit 3 dekada nilang hawak, at di nila matanggap ang pagkapanalo at magagandang nagagawa ni Mayor Najie. Kumpara sa isyu na binabato nila, higit namang mas malaking isyu ang ghost employees na kahit PWD ay nasuweldo pero di nakukuha ang suweldo at may pumipirmang iba. Ganon din ang mga isyung daang-daang milyon na pasilidad na hindi dumaan sa tamang proseso na hindi napapakinabangan ng taumbayan.

Sa huli, pananagutan ay dapat ibatay sa aktuwal na tungkulin, ebidensiya at partisipasyon ng bawat opisyal, hindi lamang sa posisyon o pirma ng punong ehekutibo.

CSC, HIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGPASOK NG MGA OPISYAL AT KAWANI NG GOBYERNO SA MGA LUGAR NG SUGALMANILA — Mahigpit na...
17/08/2026

CSC, HIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGPASOK NG MGA OPISYAL AT KAWANI NG GOBYERNO SA MGA LUGAR NG SUGAL

MANILA — Mahigpit nang ipinagbabawal ng Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang pagpasok, pananatili, o pakikilahok sa mga aktibidad sa casino, gambling houses, at iba pang katulad na establisimyento, gayundin ang online at electronic gambling.

Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2600111, o Policy on the Prohibition of Gambling among Government Officials and Employees, kabilang sa saklaw ng polisiya ang mga opisyal at kawani ng national government, local government units (LGUs), autonomous regional governments, state at local universities and colleges, at GOCCs na may original charters.

Kabilang sa mahigpit na ipinagbabawal ang:

• Pagpasok o pananatili sa casinos, gambling houses at katulad na lugar ng sugal, kahit legal o licensed ang establisimyento;
• Online casinos, e-bingo, e-sabong at internet-based betting;
• Pagpo-promote, pag-oorganisa o pagfa-facilitate ng gambling activities; at
• Iba pang uri ng pagsusugal, tradisyonal man, pribado, social o electronic.

Binigyang-diin ng CSC na kahit simpleng presensya sa gambling venue ay maaaring maging paglabag, maliban kung naroon ang opisyal o empleyado bilang bahagi ng isang awtorisadong official duty.

Sa ilalim ng 2025 Rules on Administrative Cases in the Civil Service, ang gambling na ipinagbabawal ng batas ay maaaring patawan ng reprimand sa unang paglabag, suspension sa ikalawa, at dismissal from the service sa ikatlong paglabag, bukod pa sa posibleng criminal o civil liability.

Ayon sa CSC, layunin ng polisiya na protektahan ang integridad ng serbisyo publiko at maiwasan ang mga sitwasyong maaaring magdulot ng financial vulnerability, conflict of interest, at pagkawala ng tiwala ng publiko sa mga lingkod-bayan.

Address

SNN Building
San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPC News Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share