22/09/2025
                                            ๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด, ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ข ๐ก๐!๐๐
๐๐๐๐ - ๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐๐๐ก๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ฆ
 Ang โ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐ ๐๐ฆโ o kapanganakan ng ating Panginoong Hesus
Ang doktrina at tradisyon na ito ng sandaigdigan ay isa sa mga malaking kasalanan nito na siyang pinuna ni AMA Mons. Dr. Rufino S. Magliba. Tanging ang relihiyong CDCCPI lamang ang walang takot na nagpatotoo at nagpahayag na ang Dec. 25, na siyang kinamulatang tradisyon ng mga tao at pinaniniwalaang 
kapanganakan ng Messias, ay maling katuruan o aral.
Halos buong daigdig ang kumikilala at nagdidiriwang sa buwang Disyembre 25 na siyang kapanganakan ni Poong Hesus. At bagaman isa nang Tradisyon o kaugalian ang pagdiriwang sa buwan at petsan iyan. Tanging ang Crusado lamang ang hindi tumalima sa tradisyong ito ng mundo, dahil ito ay tugma sa sinasabi ng banal na aklat, gaya ng mga sumusunod:
๐๐๐๐๐๐๐ ๐:๐ โ โKayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:โ
๐๐๐๐๐๐ ๐:๐-๐  โ 6โAt sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akinโ.
7 โDatapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.โ
8 โNilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga taoโ.
9 At sinabi niya sa kanila, โTotoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi.โ
Mat. 15:3 โ โAt siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi?โ
Kaya Tradisyon mang masasabi at halos buong daigdig ang naniniwala sa buwan ng Disyembre 25, na siyang kapanganakan ni Poong Hesus, at ito ay malaking pagkakamali. tulad ng pagtalakay nang nauna. At hindi yumukod ang Crusado, dahil sa katotohanan ang pinagbabatayan ang kangyang mga turo hindi sa mga salit-saling sabi o tradisyon lamang gaya ng mga ibang tao o relihiyon.
Maraming patotoo sa mga kasulutan, tungkol sa kapanganakan ng 
Panginoong Hesukristo. At batay sa mga ito, ang lahat na mga nagsulat patungkol sa kapanganakan ng Messias, wala sa mga ito ang may matibay na patotoo sa petsa Disyembre 25. Bagkus, marami ang nagsasabing pagkakamali ang paniniwalang isinilang si Jesus sa buwan ng Disyembre, kasama na ang mismong Papa ng mga Romano Katoliko.
ANG ESPIRITU SANTO, MONS. DR. RUFINO S. MAGLIBA, ay walang 
pasubali at alinlangan, pangamba o takot na ipinahayag na ang tunay na kapanganakan ng ating Panginoong Hesus ay Setyembre 25. At ito ay patunay na nagmumula sa banal na aklat, gaya ng sumusunod:
Anu ang patotoo ng Banal na Aklat sa kapanganakan ni Hesus?
Sa Banal na kasulatan, sa libro ni San ๐๐๐๐๐ ๐:๐-๐๐, sinasabi,
8 โ โAt may mga pastol ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.โ
9 โ โAt tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at silaโy totoong nangatakot.โ
10 โ โAt sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagkat narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:โ
11 โ โSapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Kristo, ang Panginoon.โ
Kaya ang paliwanag ng Mahal na AMA RSM, ay ganito:
โMaliwanag na sa panahon ng kapanganakan ng Panginoong Hesus, ayon sa kasulatan ni San Lukas, ang mga pastol ay nasa parang o ilang sa gabi, panahon na hindi tag-lamig. Kung Disyembre ang kapanganakan ng Messias, hindi ito naaangkop na panahon sapagkat tag-lamig sa buwan na ito sa lugar ng 
kapanganakan ng Panginoong Hesus, lalo na kapag gabi. Hindi ito lingid sa kaalaman ng mga dalubhasa, na hindi sang-ayon ang buwan ng Disyembre sa kapanganakan ng Messias, maging ang ibaโt-ibang relihiyon dito sa ating daigdig. 
Ngunit kahit alam nila ang katotohanang ito, lingid sa kanila ang tunay na petsa ng pagkakasilang ng Panginoong Hesus, sapagkat wala sa kanila ang Ikalawang Sugo ng Diyos Ama, na Siyang Magtuturo, Gagabay at Magsasalita ng katotohanan 
sa panahong itoโ.
Sa panahong ito ay nandito na ang tunay na pangalawang sugo ng Diyos AMA, na siyang nagtuturo at naaghahayag ng Katotohanan, walang iba kundi ang Diyos Espiritu Santo, Mons. Dr. Rufino S. Magliba.
Higit pa rito, ang Banal na Kasulatan ay sinasabi: 
๐๐๐๐๐ ๐๐:๐๐ โ โAng lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinomaโy hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinomaโy hindi nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.โ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐!๐
 #๐๐ผ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป