28/03/2021
"Narito ang mga panuntunan na dapat tandaan at sundin ayon sa IATF Resolution No. 106-A ngayong isinailalim muli sa Enhanced Community Quarantine ang ating Lungsod mula March 29 hanggang April 4, 2021.
1. Ang paggalaw ng bawat mamamayan ay limitado sa pag-access sa mga essential goods and services, at para sa pagpasok sa mga tanggapan o establisimento na pinahihintulutang mag-operate.
2. Ang mga kabataang wala pang 18 taong gulang, nasa edad 65 pataas, mga buntis, may immunodeficiency, comorbidity, at iba pang health risk ay dapat manatili lamang sa loob ng tahanan.
3. Ipapatupad ang curfew mula 6:00 pm hanggang 5:00 am. Exempted sa curfew ang mga APOR, cargo vehicles at public transportation.
4. Mananatiling operational ang public transportation ayon sa mga panuntunan, kapasidad at protocols na ipinapatupad ng Department of Transportation.
5. Hindi na kailangan ang Travel Pass.
6. Ipinagbabawal ang lahat ng uri ng malakihang pagtitipon kabilang na rito ang mga religious gatherings.
7. Full operational capacity ang mga ospital; health, emergency, at frontline services; manufacturers ng gamot, medical supplies, devices at equipment; agriculture at fishery sector; delivery and courier services para sa mga pagkain, gamot, at essential goods.
8. 50% operational capacity ang mga private establishments (essential goods and services); media establishments; at mga trabahong pinapayagan ng DOTr.
9. Skeleton workforce ang mga ahensya ng pamahalaan, at iba pang mga natitirang sektor.
10. Pinahihintulutan ang mga construction projects ayon sa panuntunang ipinatutupad ng DPWH.
11. Sarado ang mga malls maliban sa essential establishments katulad ng grocery stores, botika at hardware.
12. Ang mga restaurant ay limitado sa take-out at delivery lamang. Ipinagbabawal ang dine-in.
13. Hindi pinapayagan mag-operate ang mga hotel o accommodation establishments maliban kung ito ay gagamitin bilang quarantine facility.
14. Hindi pinapayagan mag-operate ang mga leisure establishments, tourist destinations (resorts, beach, etc.) sports facilities, at personal care services (spa, salon, etc.).
15. Ipapatupad ang Liquor Ban simula Marso 29, 2021 alinsunod sa Executive Order ni Governor Ramil Hernandez.
Inaatasan ko ang POSO, ang Kapulisan, ang mga Barangay at iba pang tagapagpatupad ng batas na masusing ipatupad ang pagsunod sa mga health and safety protocols katulad ng tama at palagiang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng physical distancing, at malimit na paghuhugas ng mga kamay.
Manatili na lamang sa loob ng ating mga tahanan kung hindi naman kinakailangan lumabas.
Isang Ligtas at Magandang San Pedro po sa ating lahat!"
- Mayor Lourdes S. Cataquiz