06/06/2025
"Ang Responsableng Mister:
Nagbabago ng Ugali, Hindi Nagbabago ng Asawa" ๐
Ang responsableng mister,
ay laging inuuna ang kapakanan ng kanyang asawa,
ang mga anak,
at ang buong pamilyaโ
kahit pa ang kapalit nito ay ang kanyang sariling kaligayahan.
Ang tunay na ama ng pamilya,
mas pinipili ang kanyang mga anak kaysa ang barkada o bisyo.
Kahit minsan naiinis sa asawa,
alagaan niya at igagalang pa rin dahil alam niyang
responsibilidad niya iyon.
Pero hindi lahat ganito.
May mga mister na pagkatapos ng trabaho,
mas pinipiling makasama ang barkada, mga bisyo, o ibang babaeโ
kaysa ang kanyang sariling pamilya.
Hindi ko sinasabi na lahat ay ganito,
pero para sa ilan na may sariling pamilya na,
dapat isipin:
ang pagkakaroon ng asawa at anak ay hindi na pagiging single.
May dalang malaking responsibilidad ang pamilya.
Kung sa tingin mo ay katapusan ng mundo ang mawalan
ng oras sa barkada o bisyo,
mali ka.
Bakit mo kailangang gawing mundo ang barkada o bisyo,
samantalang ikaw ay tatay na, asawa na?
Ang pamilya mo ang dapat maging mundo mo.
Gusto mo ba na lumaki ang anak mo na hindi
nirerespeto ang ama niya?
Na masaktan ang puso ng asawa mo dahil sa mga desisyon mo?
Na lumaki ang pamilya niyo na puno ng gulo at lungkot?
Mga lalaki, mga tatay, kayo ang dapat gumabay at
magsilbing haligi ng tahanan.
Huwag ninyong bigyan ng mahirap at masakit na buhay
ang pamilya niyo,
dahil sa inyo rin babalik ang bunga ng mga desisyon niyo.
Hindi pa huli ang lahat.
Puwede pa ninyong itama ang mga pagkukulang niyoโ
sa asawa, sa anak, at sa sarili niyo.
Nandiyan palagi ang Panginoon na handang gabayan kayo,
hindi ka niya kailanman iiwan.
Magbago ka, para sa pamilya mo, para sa kinabukasan niyo.
๐ by: Mommy Ylah&Yleigh ๐
ยฉ๏ธ All Rights Reserved
๐ซ Copying is prohibited