
06/06/2023
KAPITAN EUGENIO "JUN" YNION, JR. SUSPENDIDO NG ANIM NA BUWAN!
Hinatulan ng Sangguniang Panlungsod ng San Pedro si Barangay San Antonio Kapitan Eugenio "Jun" Ynion, Jr. ng suspensyon ng anim na buwan dahil sa patong-patong na reklamo at kasong administratibo na isinampa sa kanya ng limang kagawad ng barangay na sina Kagawad Gerry Hatulan, Kagawad Erick Casacop, Kagawad Leo Berroya, Kagawad Vic Inovio, at Kagawad Eloy Ambayec.
Sa inilabas na desisyon ng Sangguniang Panlungsod, pinapanagot nila si Kapitan Jun Ynion sa limang kaso ng Abuse of Authority sa ilalim ng Section 60 ng Local Government Code sa hindi nito pagpasa ng mga kopya ng Budget ng Pamahalaang Barangay ng San Antonio sa cityhall.
Pinapanagot din si Kapitan Jun Ynion sa kasong Abuse of Authority sa ilalim ng Section 60 ng Local Government Code dahil sa pagtalaga kay Patricia "Pepper" Jimenez bilang barangay secretary kahit ito ay walang pag-apruba ng mayorya ng Sangguniang Barangay.
Ang desisyon na suspindehin si Kapitan Ynion ay kinatigan ni Vice Mayor Ina Olivarez at mga konsehal ng Lungsod na sina Konsehala Niña Almoro, Konsehal Mike Casacop, Konsehala Vivi Villegas, Konsehal Vincent Solidum, Konsehal Marky Oliveros, Konehala Lesli Lu, Konsehal Aldrin Mercado, Konsehala Bernadeth Olivares at Konsehal Sonny Mendoza maliban lamang kay Konsehal Lonlon Ambayec na matalik na kaibigan ni Kapitan Ynion.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng ating lungsod ay magkakaroon ng quasi - judicial proceeding ang Sangguniang Panglungsod upang balangkasin at imbestigahan ang reklamo laban sa nakaupong kapitan sa ating lungsod.
Dahil dito, Si 1st Kagawad Albert B. Fojas ang papalit pansamantala kay Eugenio Ynion, Jr. bilang Kapitan ng Barangay San Antonio.
- Kurt David | News Reporter