17/08/2025
Ano ba itong mga utos ng Dios na tungkulin nating sundin na nakasulat sa Biblia? At paano natin matitiyak na ito nga 'yung para sa atin at ito nga ang dapat nating gawin? Kasi nga may utos ng tao, baka utos lang ito ng tao. Tignan natin mula sa Biblia — atin pong ikumpara, ating paghambingin kung utos ba ng Dios ito o baka utos lang ito ng tao. Dahil ang dapat nating susundin 'yung utos ng Dios.
Kaya po, sana ay mapag-unlakan po ninyo ang aming taos-pusong paanyaya sa pagbubukas ng panibagong sesyon ng Mass Indoctrination. Ito po ay gaganapin sa darating na Lunes, ika-18 ng Agosto 2025, alas-7 ng gabi (Philippine Standard Time).
Sa loob ng 14 na araw, kung loloobin ng Panginoon, tuklasin po natin ang tunay na aral ng Banal na Kasulatan tungkol sa pagiging kapatid kay Cristo sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Matuto po tayo mula sa mga turo na ipinag-utos ng ating Panginoong Jesucristo na ituro.
Ang mga sesyon ay gaganapin tuwing araw Lunes hanggang Biyernes, alas-7 ng gabi. Maaari po ninyong panoorin ang mga sesyon sa official MCGI social media accounts o sa pagbisita sa pinakamalapit na MCGI Coordinating Center.
Para sa pagpapatala ng inyong attendance at sa iba pa naming maaaring maipaglingkod, makipag-ugnayan lamang po sa Servant sa pinakamalapit na lokal sa inyong lugar.
Sa aming mga bisita, para maiugnay po namin kayo sa pinakamalapit na lokal, maaari po kayong mag-iwan ng mensahe sa https://www.mcgi.org/join.
Maaari din po kayong makipag-ugnayan sa amin sa:
Email: [email protected]
Viber: +63 947 817 7924
Facebook: https://facebook.com/MCGI.org
MCGI Call Center (Philippine Hotline):
Globe: +63 915 189 7007
Smart: +63 918 438 8988
Sun: +63 943 411 8001
Huwag po nating palalampasin ang pagkakataong ito upang lumalim ang ating kaalaman sa salita ng Dios at lumakas ang ating pananampalataya.
Salamat po sa Dios!