26/10/2025
PANOORIN: Muling naitala ang isang minor phreatic at dalawang minor phreatomagmatic eruption sa Taal Volcano ngayong Linggo, October 26.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang nasabing mga insidente bandang 2:55 ng madaling-araw at 8:13 at 8:20 ng umaga ngayong Linggo, batay sa thermal camera footage malapit sa crater ng Taal Volcano.
Umabot sa 1.2 hanggang 2.1 kilometro ang taas ng plumes na ibinuga mula sa crater ng bulkan bunsod ng naturang aktibidad.
Patuloy na nakataas sa Alert Level 1 ang Taal Volcano, kung saan patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa Volcano Island gayundin ang paglipad malapit dito.
(Video mula sa Phivolcs)