19/08/2025
BEYBLADE TOURNAMENT REVIEW:
TO: BacoorBeybladerx
LOCATION: Molino - Paliparan Rd, Bacoor, Cavite
EF: P550 (May kasama na P150 voucher sa Mug Coffee yan!)
LOCATION REVIEW:
Maganda yung location lalo na may Puregold, pwede niyo isama mga asawa niyo at ipag grocery para hindi magalit na puro lang kayo beyblade!!! Suhulan niyo din kasi minsan. May mga kainan din doon kasi nasa mall naman, habang nag lalaro kayo ibili niyo ng ibili ng pagkain mga asawa/partner/anak niyo para ebribadi happy di ba.
TO REVIEW:
Bias ako kasi tropa sila, eme. De, wala akong masabi sa event nila masaya lang lagi, mabilis at marami judges kahit umabot pa ng 100+ players yan. Sa judges naman wala akong comment kasi kaya na nila yun, HAHA. Medyo pumipiyok lang mga judges recently well kahit saan naman ata kasi uso ang sakit di ba, namamalat lang yung iba. Maingay lang talaga yung taga tawag nila pag biglang pumitik pero sanay na kami. HAHA. >___<
Ito na ang pinaka exciting part ng review ko ang FOOD REVIEW:
MUG COFFEE:
Drinks at Grilled Cheese Sandwich pa lang kasi ang na ta-try ko sa Mug Coffee pero solid yung mga na try ko na:
1. White Chocolate Mocha
SIZE: Large
PRICE: P190
2. Chocolate Latte (Kung sino man nag suggest nito kagabi kudos, masarap nga kahit naka less sugar!)
SIZE: Large
PRICE: P160
3. Grilled Cheese Sandwich - masarap to may kasama pang potato chips, nakaka inis lang talaga pag nanghihingi si Briose. Hays.
Syempre large tayo lagi kasi mindset natin "konti na lang naman idadagdag na bayad bakit hindi pa large?"
POTATO GIANT:
Matic super giant na fries lang naman auto order ko dyan kasi nga naman, konti lang diperensya ng babayaran ko e. Hindi ko pa na ta-try yung potpots pero sabi ni "Chicken Legs" Troy masarap daw yun, okay sige try natin next time.
CR REVIEW:
Si Lexus BBX na ang gagawa ng mga future vlogs niyan, abangan niyo na lang!
THOUGHTS?
Babalik o babalik? Babalik syempre, suporta lang ng suporta hangat kaya! Plus, maganda naman talaga flow ng tournament nila lagi. Minsan hindi ako nag lalaro pero sumasama ako para manood at mag kakain, blog ko ulit mga susunod na pupuntahan. :)
DISCLAIMER:
Ang blog na ito ay base lang sa nararamdaman ko, kaya wag kayong ano! :D