02/12/2025
"Itinuturing ng mga taong nabubuhay sa laman na kasiyahan ang ibaโt ibang relasyon at pagbubuklod ng mga pamilya sa laman. Naniniwala sila na hindi mabubuhay ang mga tao nang wala ang kanilang mga mahal sa buhay. Bakit hindi mo iniisip kung paano ka dumating sa mundo ng tao? Dumating ka nang mag-isa, nang orihinal na walang relasyon sa iba. Dinadala rito ng Diyos ang mga tao nang paisa-isa; nang dumating ka, ang katunayan ay mag-isa ka. Hindi mo naramdaman na nag-iisa ka noong panahong iyon, kaya bakit ngayong dinala ka ng Diyos dito pakiramdam mo nag-iisa ka? Iniisip mong wala kang kapareha na mapapagkatiwalaan mo, mga anak mo man ito, mga magulang mo, o kabiyak moโang iyong mister o misisโkaya naman pakiramdam mo nag-iisa ka. Kung gayon, kapag nararamdaman mong nag-iisa ka, bakit hindi mo iniisip ang Diyos? Hindi ba isang katuwang ang Diyos sa tao? (Oo, katuwang Siya.) Kapag nakakaramdam ka ng labis na pagdurusa at kalungkutan, sino ang tunay na dumadamay sa iyo? Sino ang tunay na makakalutas ng iyong mga paghihirap? (Ang Diyos.) Ang Diyos lamang ang tunay na makakalutas ng mga paghihirap ng mga tao. Kung ikaw ay may sakit, at ang iyong mga anak ay nasa iyong tabi, binibigyan ka ng inumin, at nagbabantay sa iyo, lubos kang masisiyahan, ngunit pagdating ng panahon, magsasawa ang iyong mga anak at wala nang sinuman ang magnanais na magbantay sa iyo. Sa mga ganoong pagkakataon mo mararamdamang tunay kang nag-iisa! Kaya ngayon, kapag naiisip mo na wala kang kapareha, totoo ba talaga iyon? Hindi naman, dahil palagi kang sinasamahan ng Diyos! Hindi iniiwan ng Diyos ang tao; Siya iyong tipo na puwede nilang asahan at silungan sa lahat ng oras, at ang kanilang tanging mapagkakatiwalaan. Kaya, anuman ang mga paghihirap at pagdurusang dumarating sa iyo, anuman ang mga daing, o mga negatibong bagay ang kinahaharap mo, kung ikaw ay agad na lalapit sa Diyos at mananalangin, ang Kanyang mga salita ay magbibigay sa iyo ng ginhawa, at lulutasin ang iyong mga paghihirap at ang lahat ng iyong ibaโt ibang problema. Sa kapaligirang tulad nito, ang iyong kalungkutan ang magiging pangunahing kondisyon upang maranasan ang mga salita ng Diyos at makamit ang katotohanan."
mula sa Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos