
21/09/2025
Ayon sa opisyal na anunsyo ni Governor Sol Aragones, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Laguna bukas, Setyembre 22, 2025 (Lunes) bilang pag-iingat sa epekto ng Bagyong Nando.
Ipinapaubaya sa pamunuan ng mga paaralan ang pagpapatupad ng Online Classes o anumang uri ng Distance Learning Modality.
Hinihikayat ang lahat na mag-ingat at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo para sa karagdagang impormasyon.