16/06/2025
LEYTE ATHLETE NA TUMANGGAP NG P3,000, NALUNGKOT SA GANTIMPALA SA KABILANG TAGUMPAY
Ibinahagi ng isang batang atleta mula Leyte, si Efosa Aguinaldo, ang kanyang saloobin matapos niyang tumanggap ng P3,000 bilang insentibo sa kanyang panalo sa Palarong Pambansa.
Sa isang panayam kasama si Rendon Labador, ikinuwento ni Aguinaldo na magkakaiba umano ang halagang ibinibigay sa mga atleta, depende sa kung aling rehiyon sila nabibilang. Ayon sa kanya, kahit kapos sa kagamitan,lalo na’t wala siyang maayos na sapatos ay hindi siya natinag at nagpatuloy sa masigasig na pagsasanay.
Sa kabila ng mga pagsubok, matagumpay niyang naiuwi ang gintong medalya sa long jump para sa Eastern Visayas sa kategoryang secondary boys. Isa rin siya sa mga lumaban at nagwagi sa triple jump, dala ang dedikasyon at pagmamalasakit sa kanyang rehiyon.