Ang Sentro

Ang Sentro Taliba ng Katotohanan | Opisyal na Pampaaralang Publikasyon ng Mater Ecclesiae School, Inc., San Pedro, Laguna.

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Batay sa Facebook post ng ating Gobernador na si Sol Aragones, suspendido ang lahat ng klase sa Laguna sa laha...
21/09/2025

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Batay sa Facebook post ng ating Gobernador na si Sol Aragones, suspendido ang lahat ng klase sa Laguna sa lahat ng antas, bukas, Setyembre 22. Ito ay nagsisilbing paghahanda para sa paghugupit ng Super Typhoon na "Nando"

Manatiling ligtas, Ecclesiaens!


Isinulat ni: Venice Quindoza

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Batay sa Facebook post ng ating Gobernador na si Sol Aragones, suspendido ang lahat ng klase sa Laguna sa laha...
16/09/2025

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Batay sa Facebook post ng ating Gobernador na si Sol Aragones, suspendido ang lahat ng klase sa Laguna sa lahat ng antas, bukas, Setyembre 17. Ito ay marahil sa tropical depression na "Mirasol," na kabubuo lamang mula sa pagiging LPA. Inaasahang malakas ang magiging paghagupit nito habang padaan sa hilagang parte ng Luzon.

Manatiling ligtas, Ecclesiaens!


Isinulat ni: Christian Benavides

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | Turo mo, isasabuhay koHabang ang mundoโ€™y abala sa papuriโ€™t palakpak,ikaw ay nasa anino lamangโ€”nakangiti sa a...
05/09/2025

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | Turo mo, isasabuhay ko

Habang ang mundoโ€™y abala sa papuriโ€™t palakpak,
ikaw ay nasa anino lamangโ€”
nakangiti sa aming tinatamasa.
Ngunit, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nakarating kami sa aming landas.

Walang parangal sa gabi ng bituin.
Pursigido kang nagbibigay kaalaman,
sa mga batang puno ng pangarap,
para lamang makamit ang kanilang hinaharap.

Sapagkat para saโ€™yo
ang bawat ngiti ng bata ay sapat na.
Ang bawat โ€œSalamat po, miss,โ€™ ay mas mahalaga pa sa gintong plaka.
Ang bawat โ€œAh gets ko na poโ€ ay gantimpalang di mapapalitan ng pera

Bagamaโ€™t kayoโ€™y nasa anino ng nakararami,
Bagamaโ€™t kayoโ€™y hindi masyadong nasisinagan ng pansin,
Huwag kayong mag-alala,
Kami, Ang Sentro, ay saludo sa inyo.

Kung kaya't kami'y nangangako
na sa bawat hakbang, baon nami'y aral mo.
Di lang letra sa pisara ang dadalhin namin,
kundi talino at dangal naming iyong binuo.

Hindi ka trending,
Hindi ka milyonaryo,
Hindi ka manggagamot,
At hindi ka rin โ€œ๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆโ€


Isinulat ni: Christian Benavides
Disenyo ni: Jan Carl Berroya

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’“๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’๐’–๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’‚๐’š ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’‚๐’“๐’‚๐’“๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’“๐’๐’“๐’๐’๐’๐’‚๐’."Kagaya ng sikat na kasabihan ng atin...
25/08/2025

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’“๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’๐’–๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’‚๐’š ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’‚๐’“๐’‚๐’“๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’“๐’๐’“๐’๐’๐’๐’‚๐’."

Kagaya ng sikat na kasabihan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal, atin ngayong bigyang halaga at balikan ang ating pinanggalinganโ€”ang mga naging tagapagtanggol at tagapagsakripisyo para sa ating sambayanan.

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating alalahanin ang dugong dumanak mula sa mga taong buong pusong lumaban upang ipagtanggol ang ating bayan laban sa pang-aabuso at kasamaan ng mga mananakop.

Ang mga mamamayan na naging dahilan kung bakit nararanasan at natatamasa natin ngayon ang kapayapaan sa kasalukuyan. Sila rin ang batayan kung bakit may lakas tayong ipaglaban ang ating dangal at kalayaan, sapagkat una na nila itong isinakripisyo alang-alang sa bayan.

Mula sa paggamit ng pluma at pagsusulat ni Rizal, hanggang sa pag-aalsa at pakikibaka ni Bonifacio, at kahit na ang isang dakilang lumpo na si Mabini, ay tila nagawa pa rin nilang maging haligi ng karunungan at patnubay ng rebolusyon.

Sa pagpapatunay ng kanilang mga nagawa para sa bayan, malinaw na silaโ€™y karapat-dapat tawaging ๐๐€๐˜๐€๐๐ˆ.

Kaya ngayong araw, ating bigyang-pugay ang matatapang na nilalang na handang magpakasakit upang ipaglaban ang ating lupang sinilangan.


Isinulat ni: Lois Castasus
Disenyo ni: Jan Carl Berroya

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™ž๐™ ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ง๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ค.Sa bawat โ€œ๐‘ฒ๐’–๐’Ž๐’–๐’”๐’•๐’‚,โ€ โ€œ๐‘บ๐’‚๐’๐’‚...
11/08/2025

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™ž๐™ ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ง๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ค.

Sa bawat โ€œ๐‘ฒ๐’–๐’Ž๐’–๐’”๐’•๐’‚,โ€ โ€œ๐‘บ๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•,โ€ at โ€œ๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’๐’ˆ ๐’–๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’‚,โ€ ay ating naipapahayag ang damdamin, paggalang, at malasakit sa kapwa. Sa mga simpleng salitang ito, nabubuo ang ugnayan ng mga mamamayan at napapalalim ang diwa ng pagiging Pilipino.

Ang pagpapayabong sa sariling wika ay hakbang tungo sa mas matatag na lipunan. Sa panahon ng mabilis na pagbabago, ang pagpapahalaga sa Filipino at katutubong wika ay nagpapatibay sa ating pagkakakilanlan. Kung kaya't ito rin ay nagsisilbing paalala na ang tunay na kaunlaran ay nagsisimula sa paggalang sa sarili nating kultura.

Ngayong Buwan ng Wika, alalahanin natin na ang wika ay buhay. Hindi ito dapat ikahiya o itago. Bagkus, dapat itong gamitin, pagyamanin, at ipagmalaki. Sapagkat, ang bawat salitang binibigkas natin, ay may kapangyarihang bumuo ng mas maunlad, mas makatao, at mas makabansang Pilipinas. Kaya't ating ipagdiwang ang wikang pamanaโ€”ugat ng nakaraan, ilaw ng hinaharap!


Isinulat ni: Riona Plamad
Disenyo ni: Jan Carl Berroya

Tayo'y nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat sa araw na ito ay ang ika-6 na taon na nating pagdiriwang sa National Campus...
25/07/2025

Tayo'y nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat sa araw na ito ay ang ika-6 na taon na nating pagdiriwang sa National Campus Press Freedom Day. Isang palaala sa kalayaang ipinagkaloob at ipinangako sa atin bilang mga mamamayan ng Kalayaan ng Pilipinas.

Halos kalahating dekada na ang lumipas mula nang lagdaan ang Batas Republika na naggugunita sa Hulyo 25 bilang isang araw ng pagkilala sa karapatan ng kabataang Pilipino na magkaroon ng kalayaan sa pamamamagitan ng campus journalism.

At, halos 129 taon na rin ang nakalilipas nang pinatay si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, dahil sa kaniyang pag-uudyok ng isang rebolusyon sa pamamagitan ng kanyang mga akdang pampanitikan, na nagpapakita ang tunay na epekto ng pagsulat at kung paano ito makatutulong sa pagdadala ng pagbabago.

Ngayon ay mayroon tayong dinadaos katulad nito, maaaring hindi tayo nasa ilalim ng pang-aapi ng mga Espanyol, ngunit ang katotohanan ay inaapi at binabaluktotโ€”minsan o madalas. Maaaring hindi tayo pinagbantaan ng mga baril at armas, ngunit ang ating mga salita ay natatahimik kahit ang tanging hangad lang naman natin ay ang ipagpalaganap ang katotohanan. Kaya huwag nating mamaliitin ang kakayahan ng pagsusulat.

Gayunpaman, bilang mga mag-aaral ng Mater Ecclesiae School Inc. (MES), at mga manunulat, layunin naming isama ang aming mga pananaw at birtud. Upang maging mga: ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‰๐’‚๐’•๐’Š๐’…, ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’…, ๐’‚๐’• ๐’•๐’‚๐’๐’Š๐’ƒ๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’•๐’๐’•๐’๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’.

Kaya't ang pagdiriwang ng araw na ito ay pagdiriwang rin ng aming kakayahan upang makamit ang aming layunin.

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ผ๐—บ ๐——๐—ฎ๐˜†!


Isinulat ni: James Paul Cabatingan
Disenyo ni: Jan Carl Berroya

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Suspendido muli ang klase dahil sa masamang panahon na dulot ng   sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong...
24/07/2025

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Suspendido muli ang klase dahil sa masamang panahon na dulot ng sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, bukas, Hulyo 25. Ito ay ayon sa DOST-PAGASA at iba pang ahensya ng gobyerno.

Tayo ay mag-ingat, Ecclesiaens!


Isinulat ni: Christian Benavides

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG), walang pasok ang lahat ng antas ng pampubliko...
23/07/2025

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG), walang pasok ang lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Laguna, bukas, Hulyo 24. Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Dante, Bagyong Emong, at Habagat.

Maging alerto sa balita at manatiling ligtas, Ecclesiaens!


Isinulat ni: Christian Benavides

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Dahil sa masamang panahon at banta sa kaligtasan ng bagyo, suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan ...
22/07/2025

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Dahil sa masamang panahon at banta sa kaligtasan ng bagyo, suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at piling apektadong lalawigan kasama na ang Laguna, bukas, Hulyo 23.

Ito ay batay sa opisyal na page ng Presidential Communications Office.

PAALALA:
- Manatiling alerto sa lahat ng balita at updates sa mga page ng mga Opisyal.
- Manatiling nasa loob ng bahay kung hindi kinakailangang lumabas.
- Tingnan lagi ang paligid.

Manatiling ligtas, Ecclesiaens!


Isinulat ni: Christian Benavides

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Ipinahayag ni Gobernador Sol Aragones na suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng mga publiko ...
21/07/2025

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Ipinahayag ni Gobernador Sol Aragones na suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng mga publiko at pribadong paaralan na sakop ng Laguna, bukas, Hulyo 22. Ito ay marahil sa patuloy na pagdagsa ng Bagyong Crising.

Tayo ay maging alerto, at updated sa mga announcements.

Manatiling ligtas, Ecclesiaens!


Isinulat ni: Christian Benavides

Address

Villa Olympia Subd.
San Pedro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Sentro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category