
02/04/2025
𝐊𝐔𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐊𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐘𝐀𝐊𝐈𝐍....
Kung hindi ka lang sana naging iyakin, baka buhay pa yung tatay mo ngayon. Baka may rides pa ulit kayong lalakbayin ngayong nalalapit na Semana Santa—yung biyahe ninyong mag-ama, magkasabay sa kalsada, dama ang hangin habang binabaybay ang daan. Tapos pagkatapos ng mahabang paglalakbay, uuwi kayo ng bahay, mag-iinit ng tubig, magtitimpla ng kape, at sabay na magku-kuwentuhan tungkol sa mga nadaanan ninyo—mga lugar, mga tao, at pati na rin ang mga pinagdaanan ninyo sa buhay. Pero ngayon? Wala na. Wala nang rides. Wala nang kwentuhan. Ang naiwan na lang sa'yo ay ang konsensyang ikaw ang puno’t dulo ng pagkawala niya. Habambuhay mong dadalhin 'yan, kahit anong pilit mong isisi kay Keneth. Dahil sa dulo, alam mong ikaw ang dahilan. Ikaw ang naging simula, at ikaw rin ang nagtapos sa buhay ng tatay mo.