Brgy. Health Station - GSIS

Brgy. Health Station - GSIS � Serving the health needs of our community
� Preventive care | Consultations | Health programs

Barangay GSIS proudly participated in the Seminar for Breastfeeding Support Group and Nutri-Tips for Senior Citizens hel...
22/10/2025

Barangay GSIS proudly participated in the Seminar for Breastfeeding Support Group and Nutri-Tips for Senior Citizens held today at the Convention Center, Barangay Pacita 1, San Pedro City, Laguna.

The event featured informative discussions on nutrition and wellness, the distribution of nutrition packs, and the oathtaking of the newly organized Breastfeeding Support Group led by Hon. Mayor Art Joseph Francis Mercado. 🌿✨

A big salute to everyone for their dedication to building a healthier and more empowered San Pedro community! 💚







21/10/2025

Hi everyone! 👋
Ang BHS – GSIS ay open bukas ng 8:00 AM ⏰ see you 😊

𝐒𝐓𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐅𝐎𝐑𝐌𝐄𝐃, 𝐒𝐓𝐀𝐘 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓𝐄𝐃!Ang Influenza-Like Illness (ILI) ay isang karamdamang katulad ng trangkaso na dulot ng iba...
16/10/2025

𝐒𝐓𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐅𝐎𝐑𝐌𝐄𝐃, 𝐒𝐓𝐀𝐘 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓𝐄𝐃!

Ang Influenza-Like Illness (ILI) ay isang karamdamang katulad ng trangkaso na dulot ng iba’t ibang uri ng virus. Ito ay madaling maipasa sa pamamagitan ng respiratory droplets at sa paghawak ng mga bagay na nadapuan ng virus.

Karaniwang Sintomas:
✔️ Lagnat
✔️ Ubo at sipon
✔️ Pananakit ng lalamunan
✔️ Pananakit ng kalamnan o kasu-kasuan
✔️ Pagtatae at pananakit ng tiyan

Mga Dapat Gawin:
• Kumonsulta sa pinakamalapit na health center o sa inyong doktor.
• Ugaliin ang wastong paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng facemask.
• Panatilihing malinis ang paligid at i-disinfect ang mga gamit.
• Iwasan ang pakikisalamuha kung may sintomas upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
• Kumain ng masustansya at uminom ng maraming tubig.

Isang paalala mula sa San Pedro City Health – Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa.


12/10/2025

PUBLIC ADVISORY | Ang lahat po ay aking iniimbitahan upang tunghayan ang State of the Barangay Address (SOBA) para sa pag-uulat ng mga napagtagumpayan ng ating administrasyon sa nakalipas na mga buwan. Ito po ay gaganapin sa Independence Covered Court bukas, October 12, 2025 (Linggo) - 3:00 PM. 🇵🇭

Sa ngalan ng transparency at full disclosure, atin po itong binubuksan sa publiko. Ang nasabing pag-uulat ay may tema na - "Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly”.

Tayo po ay makialam, makilahok, at makiisa!

12/10/2025
see you BUKAS registration starts at 7am @ Independence Covered Court
09/10/2025

see you BUKAS registration starts at 7am @ Independence Covered Court

PUBLIC ADVISORY | Inaanyayahan po ang lahat sa gaganaping "Purok Kalusugan sa Barangay GSIS." Ang nasabing kaganapan na nakatakda sanang Setyembre 26, 2025 ay ipinaschedule sa Biyernes, Oktubre 10, 2025, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN sa Independence Covered Court.

Ang "Purok Kalusugan" ay naglalayong maghatid ng iba't ibang libreng serbisyo para sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad. Kasama sa mga serbisyong handog ay:

Mga Serbisyong Pangkalusugan:
• PhilHealth YAKAP Registration
• Libreng Eye at Cataract Screening
• Libreng Konsultasyon
• Immunization (Routine at Catch-up)
• HIV Screening (unang 30 pasyente)
• Random Blood Sugar (RBS) Screening

Serbisyo para sa Pamilya at Komunidad:
• Family Planning (mga kagamitan, pills, contraceptives)
• Programang Pang-nutrisyon (MNP distribution, Operation Timbang, Vitamin A, Deworming)
• Serbisyong Pang-maintenance para sa mga may Non-Communicable Disease

Serbisyong Pangkalusugan at Wellness:
• Libreng Manicure at Pedicure

Sama-sama nating isulong ang ating layuning: "Malusog na Tahanan, Masaganang Pamayanan!"

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ating Health Center.

🇵🇭

UPDATE !!!
25/09/2025

UPDATE !!!

🚨UPDATE: Dahil sa inaasahang pagtama ng , ang Purok Kalusugan ay kanselado. Mangyaring umantabay na lamang sa susunod na abiso hinggil sa bagong schedule. Magingat po tayong lahat. 🙏🏻

🗣
22/09/2025

🗣

SEE YOU BARANGAY GSIS
22/09/2025

SEE YOU BARANGAY GSIS

PUBLIC ADVISORY | Inaanyayahan po ang lahat sa gaganaping "Purok Kalusugan sa Barangay GSIS" sa darating na Biyernes, September 26, 2025, 8:00 AM hanggang 12:00 NN sa Independence Covered Court.

Sama-sama nating alagaan ang kalusugan ng bawat pamilya sa pamamagitan ng iba’t ibang libreng serbisyo na hatid para sa komunidad.

🩺 Medical & Health Services
✅ Philhealth YAKAP Registration
✅ Free Eye and Cataract Screening
✅ Free Consultation
✅ Immunization (Routine at Catch-up)
✅ HIV Screening (unang 30 pasyente)
✅ Random Blood Sugar (RBS) Screening

👪 Family & Community Care
✅ Family Planning (commodities, pills, contraceptives)
✅ Nutrition Program (MNP distribution, Operation Timbang, Vitamin A, Deworming)
✅ Non-Communicable (maintenance medicines)

💅 Wellness Services
✅ Free Manicure and Pedicure

Sama-sama nating isulong ang:
“Malusog na Tahanan, Masaganang Pamayanan!”

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa ating Health Center.

📢📢
16/09/2025

📢📢

12/09/2025

‼️DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS KONTRA SUICIDE‼️

Inirerekomenda ng DOH ang pagsasapinal at patuloy na pagsuporta sa mga youth-led peer support group para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga programang may kinalaman sa mental health.

Kaugnay nito, inilunsad na sa 50 Provincial at City-Wide Health Systems (P/CWHS) ang paggamit ng DOH Peer Support Groups Playbook.

Kabilang sa playbook ang mga training para sa mga peer facilitators at mga educational materials para higit pang buksan sa kabataan ang usaping mental health.

Sa pamamagitan ng peer support groups, nagkakaroon ang kabataan ng ligtas na espasyo kung saan sila ay napapakinggan, nauunawaan, at nagiging bahagi ng isang inklusibo at pantay na komunidad (WHO, 2021).

Batay sa DOH National Assessment of the Mental Health Literacy of Filipinos (2024), 2 sa bawat 3 kabataang Pilipino ay handang humingi ng tulong—isang malinaw na palatandaan na bukas ang kabataan sa pag-uusap at pagtutulungan, lalo na para sa mga may pinagdadaanan.





11/09/2025

TUTOK KAINAN DIETARY SUPPLEMENT PROGRAM

Naghahanda na po ang ating Barangay Nutrition Council sa pangunguna ng ating BNS para sa feeding program na isasagawa dito sa ating Barangay.

Ito po ay programa ng pamahalaangl Lungsod ng San Pedro at Barangay GSIS upang tuldukan ang malnutrisyon sa ating komonidad.

Magtulungan po tayo na mai-wasto ang nutrisyon ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng tamang kaalaman at diskarte para sa mas malusog, masigla at .

Address

149 Fiesta Boulevard , GSIS
San Pedro
4023

Opening Hours

7am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Health Station - GSIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share