Radyo Natin Nationwide

Radyo Natin Nationwide The largest FM network in the Philippines Radyo Natin Nationwide is the largest FM network in the Philippines.

Uniting the country with over 100 radio satellites nationwide. The country's largest FM network is also home to four Golden Dove awards.

 : Isang lalaki mula sa Iowa, U.S. ang nakatanggap ng scratch-off lottery ticket bilang regalo mula sa kaibigan at nanal...
29/07/2025

: Isang lalaki mula sa Iowa, U.S. ang nakatanggap ng scratch-off lottery ticket bilang regalo mula sa kaibigan at nanalo ng nakakagulat na $100,000 o ₱5,728,750 bilang birthday surprise. Si Christian Johnson ay nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga kaibigan at binigyan siya ng birthday card na may kasamang ilang scratch-off tickets. Ibinigay niya ang isa sa mga ticket sa kanyang girlfriend para tapusin ang pag-scratch, at bigla siyang tinawag nito.

Ayon kay Johnson, hindi siya agad naniwala dahil akala niya ay biro lang. Ang nanalong ticket ay isang $100,000 Mega Crossword na binili ng kaibigan niyang si Diana Ballentine sa isang food mart. Dagdag pa ni Johnson, hindi pa rin siya makapaniwala at halos hindi siya nakatulog sa sobrang excitement. Hindi pa raw niya alam kung ano ang gagawin sa pera, pero sigurado siyang malaking ginhawa ito. Aniya, ang pagkapanalo niya sa ticket ay isang tunay na biyaya.

LES MISÉRABLES: World Tour Spectacular ay darating sa Manila ngayong January 2026. Ito ay itatanghal mula January 20 han...
29/07/2025

LES MISÉRABLES: World Tour Spectacular ay darating sa Manila ngayong January 2026. Ito ay itatanghal mula January 20 hanggang February 15, 2026 sa The Theatre sa Solaire. Ang ticket selling ay magsisimula sa August.

📷: GMG Productions

American musical group na Black Eyed Peas, magkakaroon ng concert sa darating na August 27, 2025 sa MOA Arena.After almo...
29/07/2025

American musical group na Black Eyed Peas, magkakaroon ng concert sa darating na August 27, 2025 sa MOA Arena.

After almost 14 years, babalik na sa Pilipinas ang iconic hip-hop/pop group na Black Eyed Peas. Huling beses silang nag-perform sa bansa noong October 2011 para sa ‘The Beginning Massive Stadium Tour.’

📷: Wilbros Live

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa noong Lunes, sinabi ni Marcos na sa mga n...
29/07/2025

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa noong Lunes, sinabi ni Marcos na sa mga naarestong suspek, 9,600 ay kabilang sa mga tinaguriang high-value targets (HVT). Malalaking padala ng droga ang nasabat sa mga lalawigan ng Zambales, Pangasinan, Cagayan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cebu, Batangas, Rizal, at Cavite; pati na rin sa Tondo, Maynila at Lungsod ng Muntinlupa.

“Ang pinakamasaklap, mahigit anim na raan at pitumpu't pito sa kanila ay kawani ng pamahalaan: mahigit isandaan ay halal na opisyal; ang mahigit limampu ay pulis," saad ni PBBM sa kayang ika-apat na SONA.

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga empleyado ng pamahalaan na sangkot umano sa paglustay ng pondon...
29/07/2025

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga empleyado ng pamahalaan na sangkot umano sa paglustay ng pondong nakalaan para sa mga proyektong pang-imprastruktura, tulad ng flood control, na sila ay mananagot ayon sa batas.

 : Panginoon, salamat sa panibagong araw. 🙏🏼
29/07/2025

: Panginoon, salamat sa panibagong araw. 🙏🏼

28/07/2025

with Angelo Palmones & Ellanie Bensal

28/07/2025

Pinuna ni Pangulong Marcos ang mahal magkasakit at kulang na pagamutan. Sa loob ng tatlong taon, nadagdagan ang ospital at specialty centers. Ngayon, bawat bayan ay may sariling doktor.

 : Isang 16-anyos na dalagita sa China ang isinugod sa ospital matapos ang dalawang linggong pagda-diet gamit lamang ang...
28/07/2025

: Isang 16-anyos na dalagita sa China ang isinugod sa ospital matapos ang dalawang linggong pagda-diet gamit lamang ang gulay at laxatives. Ginawa umano ito ni Mei sa pag-asang papayat siya at magkakasya sa kanyang bagong birthday dress. Ngunit matapos siyang mawalan ng lakas sa mga braso at binti at makaranas ng hirap sa paghinga, agad siyang dinala sa ospital. Lumabas sa emergency blood test na bumaba sa delikadong antas ang potassium sa kanyang dugo, na nagdulot ng seryosong hypokalaemia, isang kondisyon na maaaring mauwi sa respiratory failure o cardiac arrest kapag hindi naagapan.

Ayon sa mga doktor, umabot sa kritikal ang lagay ni Mei at muntik nang ma-cardiac arrest. Kinailangan niya ng 12-oras na emergency procedure para mailigtas. Sa kabutihang-palad, siya ay naka-recover at kamakailan ay na-discharge. Ginamit ng mga doktor ang kaso bilang babala sa mga gustong magpapayat sa hindi ligtas na paraan.

Iginiit ni Pres. Marcos Jr. na hindi niya kukunsintihin ang korapsyon sa mga proyektong imprastruktura, kasunod ng gumuh...
28/07/2025

Iginiit ni Pres. Marcos Jr. na hindi niya kukunsintihin ang korapsyon sa mga proyektong imprastruktura, kasunod ng gumuhong tulay sa hilagang Luzon. Tiniyak din niyang magiging maayos ang disenyo ng mga ito sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Address

San Roque

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Natin Nationwide posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share