
31/05/2025
RANK NO. 3 MOST WANTED PERSON SA SAN VICENTE PALAWAN NA NAHAHARAP SA KASONG SEXUAL ABUSE, ARESTADO!
Timbog ng mga otoridad ang tinaguriang Rank no. 3 most wanted person sa Brgy. New Agutaya, San Vicente, Palawan nito lamang araw ng Biyernes, May 30, 2025.
Nakilala ang naaresto sa alyas na Poldo, 42-anyos, isang magsasaka, at residente sa lugar.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyo ni Judge Emmanuel Quial Artazo ng Fourth Judicial Region, Branch 14, Taytay, Palawan, dahil sa kasong Sexual Abuse by Lascivious Conduct na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P200,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.
Sa ngayon ang akusado ay nasa kustodiya na ng CIDG Palawan PFU para sa tamang disposiyon.
DISCLAIMER: This report is based on official police statements and verified sources. Radyo Bandera Philippines reports news for public information only and does not condone or promote violence, illegal activity, or drug use. Viewer discretion is advised.
Photo Courtesy: Palawan PPO