12/06/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐-๐ญ๐ฎ๐ด ๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ก
Paano kung ang kalayaang tinatamasa mo ngayon ay binayaran ng dugo?
Malaya ka sa kasalukuyan, ngunit sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, makikita mong ang kalayaan ay bunga ng matinding pagdurusa, wagas na sakripisyo, at pangarap para sa bayan. Sa paggunita natin ngayon ng Araw ng Kalayaan, ito ay nagsisilbing mahalagang paalala ng wagas na pagmamahal sa ating lupang sinilangan.
Hindi lamang ito isang petsa sa kalendaryo. Hindi rin ito nakamit sa loob lamang ng isang araw; sa halip, ito ay bunga ng matibay na pakikibaka upang mailigtas ang bayan mula sa pang-aapi at kasakiman. Tinuldukan nito ang gapos na nagpahadlang sa malayang pagkilos at pamumuhay ng ating mga ninuno.
Higit sa pag-alala sa nakaraan, ang kalayaan ay ipinaglaban upang magkaroon tayo ng marangal na pamumuhay, at upang tayo mismo ang maging tagapag-ingat at tagapagpatuloy ng magandang simulang kanilang itinaguyod. Tandaan na tayo ay iisang bansa, iisang lahi, na pinagbubuklod ng wagas na pag-ibig sa lupang sinilangan. Ang kalayaan ay hindi kailanman mamamatayโito ay isang mahalagang responsibilidad at tungkuling dala-dala natin sa bawat araw.
Isabuhay natin ang mga aral na ito upang mahubog ang marangal na pag-uugali at pamumuno, at maging tunay na karapat-dapat na kasapi ng ating minamahal na pamantasanโang CSU-Sanchez Mira. Tulad ng ating mga bayani, huwag nating sayangin ang kalayaang ipinaglaban nila; gamitin natin ito upang maglingkod nang tapat, kumilos nang may matibay na paninindigan, at mag-ambag nang buong puso sa pag-unlad ng ating paaralan at ng ating bayan.
Ang kalayaan ay isang hamon, hindi lamang isang pamana. Ituloy natin ang pagtaguyod sa magandang kinabukasan, at piliing gawin ang tama sa bawat araw para sa ikauunlad ng lahat.
๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ, ๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฌ ๐๐! ๐ต๐ญ
Lathala ni: Jus