16/10/2025
SMSAT, nilupig ang NA sa Women's Volleyball Championship
Walang kahirap-hirap na ginapi ng koponan ng Sanchez Mira School of Arts and Trades (SMSAT) ang Namuac Academy (NA) sa kakatiklop lamang na Womenβs Volleyball Championship na ginanap sa SMSAT ngayong araw.
Mabalasik na opensa at matatag na depensa ang ipinamalas ng SMSAT, sanhi upang sumuko ang NA bago pa man matapos ang ikalawang set daan upang maikandado nila ang tagumpay at ito rin ang susi para sa inaasam-asam nilang makapasok sa Cagayan Provincial Athletic Association(CPAA).
"Tiwala sa sarili at teamwork ang sinandalan namin upang manalo dahil ayaw namin na masayang ang mga hirap namin sa mga trainings," ani ni Janxinne Callo.
Mainit na sinimulan ng dalawang koponan ang sa simpleng pagpapalitan ng puntos ngunit tinuldukan ito ng SMSAT nang makuha nila ang ritmo ng laro at sa tulong ng dalawang magkasunod na drop shot ni Janxinne Callo na sinundan ng 3 service aces ni Ellaine Burgos nailayo nila ito at agad tinapos sa iskor na 25-18.
Sa patuloy na pag-aalagwa ng buong pwersa ng koponan ng SMSAT mula maayos na pag-ikot, tuloy-tuloy na atake hanggang sa hindi magibang depensa ay hindi na nakabangon pa ang NA at dahil sa sunod-sunod na pagkakamali at minabuti nilang ipinaubaya ang ikalawang set sa SMSAT, 24-9.
Matagumpay na napasakamay ng SMSAT ang titulong kampeonato sa larangan ng Volleyball matapos ang sagupaan.
βπ»: Queen Tejada
πΈ: Insley Madarang
πΌοΈ: Earljosh Galapia