Sheena's hugot pamore

Sheena's hugot pamore Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sheena's hugot pamore, Digital creator, Sta. Cruz zambales, Santa Cruz.

26/11/2024

Sad story po sa totoong buhay po 😭
Aking salaysay po sa buhay po.πŸ˜’πŸ’•πŸ˜”β€πŸ˜ŠπŸ˜™

Ako po ay maysakit sa puso.

Ako nga po pala si sheena m. Ebid po at kapangakan ko po ay January 18 2004 kaya ang aking edad po ay 20 years old po.

Nong mula ng pinanganak po ako na sanggol po ay may Rheumatic heart disease na po ako ng isininilang po ako ng aking nanay.

Kapag po ako ay nagkakasakit sa sarili po ay kasalanan ko po kasi ang mga bawal po ay kinakain ko po at bawal po ako mapagod pero kailangan po sana kumilos para tulungan ang aking nanay at mga kapatid o lahat ng kapamilya po kaso hadlang po ang sakit ko po kasi di ko po nagawa ang lahat ng gawain sa buhay po at trabaho sa malayo na gaya ng iba pa na mga kaedaran ko po ay kayang - kaya po nila kaya sana all na lang po.

Nang maistudy po ako nung mula bata po ako na mga Saksi ni Jehova na mga sister o brother at hanggang ngayon po ay nabigyan po ako ng pag - asang mabuhay dahil sa laki ng pasasalamat ko po na makilala ko po ang tunay na Diyos at dahil diyan ay natuto po ako sa mga turo po nila na mga mabuting aral at makatotohanan na mula sa kaharian ng Diyos kaya napalakas , napatibay , napatatag at napasigla po ako dahil sa tulong ng Diyos sa pamamagitan po ng mga tao na sister o brother kaya nagpapasalamat po ako sa kanila.

Ang buong pamilya at mga kaibigan ko po ay laking pasasalamat ko po sainyo dahil sa payo at sermong po ninyo kahit na masakit man o hindi ay dapat sundin at sorry po dahil madalas po akong pasaway at ayaw ko na madamay po kayo kaya sana maunawaan po ninyo at ayaw ko rin po ng gulo kaso nasasabi ko lang po ito para malaman po ninyo at hindi po ako pasikat lamang kaya mula noon hanggang ngayon po ay kinakapitan ko po sa una ay ang Diyos at ang buong kapamilya ko po at mga kaibigan kasi sila po ang masasandalan ko po ng problema o pagsubok sa buhay ko po.

Pero ng 2022 po ay may pagkakasala na naman po ako dahil sa pinulot ko po ang pusa na kinaawaan ko kaya inaalagaan ko po at minahal kaso yun po ang naging dahilan kung bakit po ako nakagat ng pusa at lumagpas po ng mahigit isang linggo buti na lang po ay naagapan ko po ang sakit ko sa pusa kaya laki ng pasasalamat ko po muli dahil sa tulong ng Diyos po po at ang panganay po na si kuya jp pati nanay at ang kapatid ko pa na iba ay nagtulungan po sila sa gastusin po para saakin kaya maraming salamat po sainyo.

Maraming beses po ako magkasakit sa isang taon po at lagi po ako naospital mula ng bata po ako at ngayon ay paminsan na lang po dahil sa hirao ng buhay po namin kaya sa herbal , gamot at prutas na lang po umaasa pati sa una ay ang Diyos at ayaw po ng mga kapamilya ko po ang ugali ko na iba po kaya gustong - gusto ko po baguhin ang sarili ko po para maging maganda na po at mangako man po ako o hindi ay maninindigan po ako na di na kakain ng bawal po saakin dahil sa kapakanan ko po ito kaya ayusin ko na po ang buhay ko po.

Sa pag - aaral ko nga po ay pinahinto na po nila ako nanay na may limang taon na po ako na pinatigil po dahil sa kapakanan ko po kaya nang high school po ang natapos ko po ay grade - 9 lamang po at wala po akong magawa kasi yun ang pasya nila para saakin pero nakakamiss po mag - aral dahil sa gusto ko nsana po na tuparin ang mga pangarap ko po pero hadlang ang aking sakit sa puso.

Ako po ay sakitin at maraming bawal po saaakin kasi buhay ko po ang nakasalalay.

Ako po ay never ko po nagsisisi sa Diyos dahil sa sarili ko po ang sinisisi ko po at parang nawala po ang tiwala ko po sa aking sarili maliban po sa Diyos at si nanay na malaki ang tiwala ko po sa kanila.

Sana balang araw po ay makita ko po mulivang mga kaibigan o kaklase ko po noon na mula elementary hanggang high school po at ang mga pinsan ko po ay miss ko na po sila kasi di ko na po sila nakikita at nakakausap po.

Kaya nandito po ako sa aking kwento dahil sa humihingi po ako ng tulong kasi pumapayat at lumalala na po ang sakit ko po sa puso kaya sa mga nandidiri po saakin po diyan ay sorry po dahil sakit ko na po ito pero di ko po ito ginusto subalit nagawa ko nga po ang pagkasala.

Sa tuwing gabi - gabi po ay lagi po akong di makatulog dahil sa sakit ko po at laging isip ng isip sa mga problema po kaya kumakapit po ako sa Diyos at mahirap ang aking pamilya kaya tulungan po ninyo po sana po ako at ang buong pamilya ko po.

Maraming salamat po sa mga binabigay po ng mga mahal ko sa buhay at salamat po talaga sa mga pagpapala dahil sa tulong ng Diyos at sa pamamagitan ng mga tao.

Sa mga mahal ko po sa buhay ay maraming salamat po muli dahil nandiyan po kayo para saakin at sorry po sainyong lahat dahil sa nagawa ko po na kasalanan sa aking sarili at sainyo po kaya nagsosorry din po ako sa aking sarili dahil po sa hirap tanggapin po ang pagkatao ko po gaya ng hirap po akong tanggapin ng mga mahal ko po sa buhay at sana ipray po ninyo po ako para kayanin ko po ang lahat ng sakit at problema.

Ang lahat po ng aking hiling po ay pinapaabot ko po sa mga mahal ko po sa buhay kahit di po ako kilalang gaano ay tinutulungan po ako kaya maraming salamat po pero patulong parin po please ...

Nagmamahal : Sheena❀

24/09/2023

Address

Sta. Cruz Zambales
Santa Cruz

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sheena's hugot pamore posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share