15/03/2026
Santakruzins! Bilang paghahanda sa nalalapit na VIA DE MORIONES CULTURAL PILGRIMAGE WALK na mangyayari araw-araw simula March 29 (Palm Sunday) mula sa Santa Cruz Town Plaza patungo sa Morion Camp at Dapdap Beach sa Barangay Tagum, inaanyayahan ng I Love Santa Cruz Collective at ng Municipal Tourism Culture and Arts Office ng Santa Cruz, Marinduque ang lahat na may malakas na pangangatawan o may kakayanan na makiisa sa gaganaping WALK FOR PEACE: VIA DE MORIONES TRIAL WALK sa darating na March 18 (Miyerkules), 4:00PM na magsisimula sa Santa Cruz Town Plaza.
May labing-apat na estasyon sa daan ng pilgrimage route na maaring dasalan o pagpahingahan.
Open din ang trial walk sa mga nais makiisa sakay ng motorsiklo o bisekleta o four-wheel drives.
May jeep na maghihintay sa Morion Camp at magdadala ng mga makikiisang nakatapos ng lakad pabalik ng bayan.
Tara at maglakad at idalangin ang kapayapaan sa harap ng patuloy na umiigting na digmaan sa Gitnang Silangan.