Marinduque Netizen

Marinduque Netizen Marinduque Netizen is an Online News Portal dedicated to bring fresh and recent news, information and events happening inside and outside the Province.

TINGNAN: Pinangalanan nina Curlee Discaya at Sarah Discaya ang ilang mambabatas na umano’y sangkot sa mga maanomalyang f...
09/09/2025

TINGNAN: Pinangalanan nina Curlee Discaya at Sarah Discaya ang ilang mambabatas na umano’y sangkot sa mga maanomalyang flood control projects, habang pormal nilang binabawi ang kanilang naunang sinumpaang salaysay.

06/05/2025

KA LOLONG REJANO, NASA KRITIKAL NA KONDISYON MATAPOS MA-DIAGNOSE NG STAGE 4 CANCER SA LUSLOS

Labis ang pag-aalala ng mga taga-Marinduque matapos kumalat ang balitang nasa kritikal na kondisyon ngayon si Ka Lolong Rejano matapos umano siyang ma-diagnose ng stage 4 “cancer sa luslos.”

Bagamat hindi karaniwan ang naturang kondisyon, ayon sa mga malalapit sa kanya ay kasalukuyan siyang sumasailalim sa gamutan at patuloy na lumalaban.

Nagkaisa naman ang Marinduque Netizens sa panawagan ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng batikang aktibista at tagapagsalita ng masa.

“Laban Ka Lolong! Marinduque is praying for you,” ani ng isang netizen sa social media.

DATING BOKAL JOHN PELAEZ, PINOST ANG KANYANG LARAWAN NG ASAWANG KANYANG KINAKALANTAREUsap usapan ngayon sa social media ...
06/05/2025

DATING BOKAL JOHN PELAEZ, PINOST ANG KANYANG LARAWAN NG ASAWANG KANYANG KINAKALANTARE

Usap usapan ngayon sa social media ang pagkakapost ng larawan ni dating Bokal John Pelaez matapos itong mahuli ng asawa ng kanyang kinakalantare na taga Boac.

Ayon sa asawa, "P*T*NG INA MO JOHN PELAEZ, SINIRA MO ANG BUHAY NG PAMILYA KO!"

Ngunit makalipas ang ilang oras ay dinelete na din ng asawa ng biktima ang kanyang post sa social media.

Bali-balita na ang biktima ay nagtatrabaho sa isang negosyo ni John Pelaez at binablock-mail umano ito ng dating bokal na kung walang mangyayari sa kanya ay tatanggalin siya sa trabaho at pinagbabantaan na may mangyayari sa kanyang pamilya.

Kung kaya't walang magawa ang biktima kundi pumayag sa kagustuhan ni Bokal at kinunan niya ng larawan si Bokal habang nanonood umano ng malaswang bidyo.

Ayon pa sa biktima, marami ding tinatakot na estudaynte sa Marinduque State University si Palaez lalo na noong nagturo ito doon. Binablock-mail umano ni Pelaez ang kanyang mga estudyante at laging niyayaya sa inuman.

Hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na nasangkot si John Pelaez sa kontrobersya. Matatandaan na noong 2016 ay kinakadkad niya ang isang lalaki habang tinututukan ng baril dahil lamang umano sa kalasingan nito. Bukod pa dito, inireport din si Pelaez na nagpaputok ng kanyang baril sa isang inuman sa Dawis, Gasan.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡:  MEL GO, NADIMANDA NG PERJURY IN SOLEMN AFFIRMATION DAHIL SA ASAWASi Melecio Go na isang contractor ay sinampah...
30/04/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: MEL GO, NADIMANDA NG PERJURY IN SOLEMN AFFIRMATION DAHIL SA ASAWA

Si Melecio Go na isang contractor ay sinampahan ng sumbong sa Provincial Prosecutor’s Office ng Marinduque sa salang “perjury in solemn affirmation”na isang krimen sa ilalim ng article 183 ng Revised Penal Code. Sinampahan ng kaso si Go sa kasong “Felix I. Bacal vs. Melecio J. Go” na may NPS Docket No. IVB-00-INV-25D-0192 for Perjury.

Sinabi ni Mr, Bacal na noong Oktubre 07, 2024, si Go ay nagsaad sa kanyang Certificate of Candidacy for governor si Go ng “entry” sa spasio para sa asawa (entry no. 13) na ang civil status niya ay married at ang asawa niya ay Sylvia Tanya H. Go samantalang ang kilalang asawa niya ay si Genoveva Santos Go. Ang entry na ang asawa ni Go ay si Sylvia sa COC ay sinumpaan na tutoo ni Go sa harap ng Notary Public na ai Atty. Alfredo L. De Luna. Pero ang entry na ito, ayon kay Mr. Bacal, ay hindi tutoo at kasinungalingan dahil ang kilalang asawa ni Mel Go ay si Genoveva Santos Go.

Kung mahahatulan ng Guilty” si Go, siya ay pueding maparusahan siya ng kulong na apat (4) na buwan at isang araw hanggang anim (6) na buwan.

Ano kaya ang depensa ni Melecio Go sa dimandang perjury. May nagsasabi na ang kasong krimen ay Bigamy o concubinage, Alin ang tutoo?

𝗠𝗘𝗟 𝗚𝗢 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗬𝗡𝗔𝗟𝗗𝗢 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗨𝗦𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗣𝗣𝗘𝗥 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗠𝗔𝗟𝗟-𝗦𝗖𝗔𝗟𝗘 𝗠𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚Lumutang ang ...
06/03/2025

𝗠𝗘𝗟 𝗚𝗢 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗬𝗡𝗔𝗟𝗗𝗢 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗨𝗦𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗣𝗣𝗘𝗥 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗠𝗔𝗟𝗟-𝗦𝗖𝗔𝗟𝗘 𝗠𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚

Lumutang ang kontrobersya sa lalawigan ng Marinduque matapos mamataang personal na bumisita sina Mel Go at Reynaldo Salvacion sa Marcopper Mining Corporation upang humingi umano ng suporta para sa kanilang kandidatura sa darating na halalan. Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang sources, kapalit ng tulong-pinansyal mula sa kumpanya, nangako umano ang dalawa na kung sila ang mananalo, muling pahihintulutan ang pagbebenta ng mga natitirang properties ng Marcopper at pagbubukas ng small-scale mining sa probinsya.

Matatandaang ang Marcopper ay may madilim na kasaysayan sa Marinduque, lalo na sa matinding environmental disaster noong 1996 nang bumagsak ang isang waste pit, nagdulot ng malawakang polusyon sa Boac River, at iniwan ang maraming residente na apektado ng matinding kontaminasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ganap na naibabalik ang normal na kalagayan ng kalikasan at kabuhayan sa lalawigan dahil sa matagal nang epekto ng pagmimina.

Dahil dito, maraming Marinduqueño ang nababahala at galit sa napabalitang kasunduan nina Mel Go at Reynaldo Salvacion sa Marcopper. "Tila ba wala silang pakialam sa naging trahedya noon. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang pera at kapangyarihan!" pahayag ng isang miyembro ng MACEC na mahigpit na tumututol sa pagbabalik ng pagmimina sa lalawigan.

Bukod pa rito, pinangangambahan ng MACEC na kung muling magbubukas ang pagmimina sa Marinduque, lalo pang masisira ang natitirang likas na yaman ng probinsya. Hindi lamang ito banta sa kalikasan kundi pati na rin sa kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan, lalo na ang mga mangingisda at magsasaka na direktang maaapektuhan ng polusyon sa tubig at lupa.

𝗟𝗢𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗝𝗔𝗡𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗗Viral ngayon sa social media ang isang post mula sa kasalukuyang k...
12/02/2025

𝗟𝗢𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗝𝗔𝗡𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗗

Viral ngayon sa social media ang isang post mula sa kasalukuyang kinakasama ni Manuel “Lolong” Rejano, kung saan isiniwalat nito ang kanyang sama ng loob matapos umano siyang mahawahan ng tulo ng dating online commentator.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Aizell na kagagaling lamang niya sa ospital at kinakailangan niyang uminom ng iba’t ibang gamot para sa kanyang STD. Ngunit ang mas ikinagalit niya ay ang patuloy umanong pambabae ni Rejano, dahilan kung bakit, pati siya ay nahawahan ng sakit.

"Grabe ang pinagagagawa mo sakin at sa pamilya ko! Ang tanda mo na pero hindi pa rin tumitigil sa pambabae! Nagdala ka pa ng sakit!" ani Aizell, na agad namang binura ang kanyang post.

Ngunit kahit na burahin pa ni Aizell ang kanyang post ay marami sa mga Netizens ang nakakita at nakapag screenshot ng kanyang post kung kaya't naging usap-usapan ito sa bayan ng Santa Cruz.

Matatandaan na si Lolong Rejano ay kasalukuyang nahaharap sa kasong Concubinage matapos iwan ang kanyang dating asawa upang makisama sa kanyang kasalukuyang kinakasama.

REJANO'S BAKERY, PINARANGALAN NG DTI MIMAROPAIsang malaking karangalan ang natanggap ng Rejano’s Bakery matapos itong ga...
12/02/2025

REJANO'S BAKERY, PINARANGALAN NG DTI MIMAROPA

Isang malaking karangalan ang natanggap ng Rejano’s Bakery matapos itong gawaran ng Recognition for Proficiency in Quality Management (Level 2) ng Philippine Quality Award (PQA) Program.

Ang prestihiyosong pagkilala ay bahagi ng PQA Regionalization Program na itinatag sa ilalim ng DTI Administrative Order 22-12, s. 2022, na naglalayong kilalanin ang mga organisasyong nagpapakita ng kahusayan sa performance at kalidad ng pamamahala.

Ipinagmamalaki ng buong Marinduque ang Rejano’s Bakery dahil sa kanilang dedikasyon sa kalidad at malasakit sa kanilang produkto. Patunay ito na ang mga negosyanteng Marinduqueño ay may kakayahang makipagsabayan sa pambansang antas.

"Iba talaga ang Marinduqueños!" sigaw ng mga sumusuporta sa tanyag na bakery na patuloy na nagbibigay ng de-kalidad at masarap na tinapay sa ating mga kababayan.

Muli, isang malaking pagbati sa Rejano’s Bakery para sa tagumpay na ito!

TINGNAN: Kabilang ang delegasyon ng Marinduque sa libu-libong dumalo sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Jesus Mira...
12/02/2025

TINGNAN: Kabilang ang delegasyon ng Marinduque sa libu-libong dumalo sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Jesus Miracle Crusade International Ministry na ginaganap ngayon, February 9, sa Luneta Park, Manila.

Address

Poblacion
Santa Cruz
4902

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marinduque Netizen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Marinduque Netizen:

Share