23/09/2025
๐๐ข๐๐จ๐ ๐ก | ๐ง๐๐๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
๐ฏ๐ Frances Manuela Garcia
Binaha ang Luneta nitong ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ญ ng mga tinig laban sa lumalalang korapsyon sa ating inang bayan. Nag-uumapaw ang init ng damdamin habang nagsama-sama ang ibaโt ibang mukha ng lipunan: mga estudyante, manggagawa, artista, propesyonal, at karaniwang mamamayan. Lahat ay nagdala ng plakard, lahat ay may sigaw ng paglaban.
Sa gitna ng mainit na pakikibaka, may isang tinig na umalingawngaw. Tila mababaw, ngunit direktang tumama sa bituka ng bayan:
โ๐๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐๐๐ก๐ก! ๐๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ข, ๐๐๐จ๐๐๐๐ก๐ก! ๐๐ค๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐! ๐๐ฌ๐๐ -๐ ๐ฌ๐๐ , [๐๐ฉ] ๐๐๐ก๐๐ข๐๐ง๐๐จ!โ
Marami ang nagbigay-pansin dito sa ๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ, at may ilang natawa. Para sa iba, itoโy tila biro lamang, isang nakakatawang hiling sa gitna ng laban sa korapsyon. Nagkaroon din ng haka-haka, iniisip na baka hindi maayos ang pag-iisip ng nagsasalita. Ngunit kung bukas lamang ang ating pandinig at isip, mauunawaan natin na ang sigaw na iyon ay hindi lang tungkol sa kapos na kinikita nila kundi salamin ng bansang matagal nang piniprito sa sariling kahirapan.
Ang mga pagkaing binanggit ay hindi lamang basta pagkain sa tabing-kalsada. Ito rin ay ang pantawid-gutom ng estudyanteng kulang sa baon, ng manggagawang laging kapos ang sahod, ng pamilyang nagsasalo-salo sa tatlong pirasong kwek-kwek na sinasawsaw sa maanghang na s**a at matamis na sawsawan, lakas ng jeepney driver na kulang ang pasada, at ng tinderoโt tinderang kumakapit sa bawat baryang kinikita.
Kung pagmamasdan natin, ang dating tigpi-pisong fishball para sa dalawang piraso ngayoโy sampung piso na para sa walo. Isang simpleng halimbawa, ngunit nagsisilbing malinaw na mensahe para sa bawat Pilipino: pati ang pinakamurang sandigan ng masa ay unti-unting kinukuha sa kanila.
Hindi nakakapagtaka na ang ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ ๐ณ๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ na may malakas na tinig ay hindi lamang makikita na nagtitinda sa tabing-kalsada, nakikita rin sila na lumalaban para sa bawat Pilipino na nagnanais makamit ang simpleng buhay na may dangal. Ang kaniyang patuloy na pakikibaka ay nagsilbing repleksyon kung anong uri ng pamahalaan mayroon tayo ngayon โ isang gobyerno na mala-buwayang nakaupo lamang sa upuan habang pinagmamasdan ang ating bansa na lumubog kasama ang mamamayang Pilipino.
Sa bawat tusok ng fishball, kikiam, o kwek-kwek, sa bawat init sa tokneneng at calamares โ damang-dama ang mainit na hinaing ng sambayanang pinagkakaitan ng karapatang mabuhay nang may dangal.
Kayaโt sa simpleng tinig ng isang street food vendor, na nananawagang ibaba ang presyo ng pagkain sa kanto o streetfoods, nahahayag ang mas malalim na mensahe: ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฌ๐๐-๐๐ช๐ฉ๐ค๐ข ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐๐ค, ๐ฅ๐๐๐ฃ๐ค ๐ฅ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ?
๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ๐ผ๐ป ๐ฏ๐ Nathaniel Taclan
๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ ๐ฏ๐ John Vincent Espinosa & Jade Maica Villegas