Digital TV News

Digital TV News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Digital TV News, Digital creator, Santa Cruz.

20/07/2026

Sa naganap na State of the Province Address ni Laguna Gov. Sol Aragones ay iniulat niya sa publiko ang pasabog na Ambulance on the Go. Ito ay ilulunsad na sa darating na Oktubre na handang magbigay serbisyo sa mga Lagunense.

20/07/2026

Good news mula sa Kapitolyo!

Sampung taon sa serbisyo bilang J.O. ay maaari nang maging Casual ang position, ayon kay Laguna Gov. Sol.

ππ‘πŽπ‚π‹π€πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐎. πŸπŸ‘πŸ’πŸ–, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”Declaring Tuesday, 04 August 2026, A Special (Non- Working) Day in the City of Cabuyao, Pr...
14/07/2026

ππ‘πŽπ‚π‹π€πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐎. πŸπŸ‘πŸ’πŸ–, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

Declaring Tuesday, 04 August 2026, A Special (Non- Working) Day in the City of Cabuyao, Province of Laguna in celebration of Cityhood Anniversary

πŸ“·Official Gazette
Bagong Cabuyao CIO MAYOR Dennis DENHA Hain
Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/UiFNXB

14/07/2026

12 Arestado sa Umano'y Marahas na Pag-okupa sa Pribadong Ari-arian sa Lumban; Barangay Kapitan at mga Kasamahan, Haharap sa mga Kaso

LUMBAN, Laguna β€” Nakatakdang sampahan ng magkakapatong na kasong kriminal si Barangay Captain Silvino Dublan Jr. ng Barangay Caliraya, Lumban, Laguna, kasama ang ilan sa kanyang mga kasamahan, kaugnay ng umano'y iligal at marahas na pag-okupa sa isang pribadong ari-arian na pag-aari ng SM Fernando Realty and Developer Corporation.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente noong Sabado, nang pangunahan umano ng kapitan ang mahigit 100 katao sa sapilitang pagpasok sa nasabing property. Iniulat na winasak ang mga bakod at security guard post, dahilan upang mabigla ang 15 security guard na nakatalaga sa lugar.

Sa insidente, tatlong security guard ang nasugatan. Inireklamo rin na pansamantalang dinala o pinigil ang dalawang security guard at nakuha ang kanilang service fi****ms, na umano'y itinago sa opisina ng barangay kapitan sa barangay hall.

Agad na nagsumbong sa Lumban Municipal Police Station ang hepe ng security team. Kinabukasan, bandang alas-6 ng gabi, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis ng Lumban, kasama ang SWAT, na nagresulta sa muling pagkontrol sa nasabing property.

Sa operasyon, 12 katao ang naaresto, kabilang ang siyam na kalalakihan at tatlong kababaihan. Isa sa mga ito ang nagpakilalang team leader na si "Alyas Wahib," na nagsabing pinangakuan umano sila ng barangay kapitan ng bahagi ng lupa sa nasabing property. Aniya, naniwala silang legal ang pagmamay-ari ng lupa at hindi sana sila sasama kung nalaman nilang may isyu ito.

Natuklasan din umano ng mga awtoridad at security personnel na nawawala ang ilang mahahalagang gamit sa loob ng property, kabilang ang mga two-way radio, construction tools, at humigit-kumulang β‚±83,000 na nakalaan sana bilang suweldo ng mga security guard.

Ayon kay Camilo Rosqueta, hepe ng security team, nadatnan nilang nagbabantay mismo sa pangunahing gate ang barangay kapitan. Aniya, nang subukan nilang makapasok sa property kasama ang mga pulis, umano'y kumuha ng itak ang kapitan at tinaga ang isa sa mga security guard. Bago umano tumakas, kinuha rin nito ang isang baby armalite at itinutok bago mabilis na tumakas kasama ang ilan pang kasamahan.

Kasalukuyang nakakulong sa Lumban Municipal Lock-up Facility ang 12 na naaresto. Inaasahang isasampa ngayong araw sa Office of the Provincial Prosecutor sa Santa Cruz, Laguna ang mga kaukulang reklamo laban sa mga suspek.

Paalala: Ang mga alegasyon sa ulat na ito ay batay sa pahayag ng mga nagrereklamo at sa paunang ulat ng mga awtoridad. Mananatiling walang sala ang mga inirereklamo hangga't hindi napatutunayan ang kanilang pananagutan sa hukuman.
πŸŽ₯Contributed Video

Bagong Multipurpose Building sa Brgy. Manaol, Nagcarlan, Pormal nang PinasinayaanPORMAL nang pinasinayaan ngayong ganap ...
04/07/2026

Bagong Multipurpose Building sa Brgy. Manaol, Nagcarlan, Pormal nang Pinasinayaan

PORMAL nang pinasinayaan ngayong ganap na alas-diyes ng umaga ang extension ng Multipurpose Building sa Barangay Manaol, Nagcarlan, Laguna.

Pinangunahan ang programa ni 3rd District Representative Loreto "Amben" Amante, kasama sina Nagcarlan Mayor Elmor Vita, Board Member Angelica Jones Alarva, at Barangay Chairman Freddie Suerte.

Labis ang kasiyahan ng mga residente ng Barangay Manaol sa bagong gusali. Ayon sa isa sa mga mamamayan, ito na ang pinakamalaking barangay hall sa buong bayan ng Nagcarlan na naipagkaloob sa kanila.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Congressman Amante na nagsikap siyang makapaglaan ng pondo upang maisakatuparan ang pangalawang bahagi ng proyekto. Inihayag din niya na magkakaroon na rin ng bagong rescue vehicle ang Barangay Manaol.

Dagdag pa ng mambabatas, target ding mabigyan ng bagong rescue vehicle ang lahat ng 52 barangay ng Nagcarlan sa darating na taon.

Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Elmor Vita kay Congressman Amante sa patuloy na suporta at mga proyektong ipinagkakaloob para sa mga barangay ng kanilang bayan.

16 NA BENIPISYARYO TUMANGGAP NG TESDA SMAW NC II, MULA KAY CONG.AMBEN AMANTELAGUNA – Tumanggap ng TESDA Shielded Metal A...
30/06/2026

16 NA BENIPISYARYO TUMANGGAP NG TESDA SMAW NC II, MULA KAY CONG.AMBEN AMANTE

LAGUNA – Tumanggap ng TESDA Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II Toolkits ang 16 na benepisyaryo noong Hunyo 25, 2026 sa pangunguna ni Congressman Amben Amante.

Layunin ng programa na mabigyan ng sapat na kagamitan ang mga nagtapos sa pagsasanay upang magamit nila ang kanilang natutunan sa paghahanap ng trabaho o sa pagsisimula ng sariling pagkakakitaan.

Ayon sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang mga ipinagkaloob na toolkit dahil magbibigay ito sa kanila ng dagdag na kumpiyansa at oportunidad upang makapasok sa industriya ng welding at iba pang kaugnay na hanapbuhay.

Binigyang-diin naman ni Cong. Amben Amante ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng kasanayan at kabuhayan ng mga mamamayan.

Patuloy aniya ang kanyang suporta sa mga programang nagbibigay ng oportunidad at pag-asa sa bawat pamilyang Lagunense sa pamamagitan ng mga inisyatibang nakatuon sa edukasyon, pagsasanay, at pangkabuhayan

500 π˜½π™€π™‰π™€π™‹π™„π™Žπ™”π˜Όπ™π™”π™Š π™Žπ˜Ό π™„π™†π˜Ό-3 π˜Ώπ™„π™Žπ™π™π™„π™π™Š 𝙉𝙂 π™‡π˜Όπ™‚π™π™‰π˜Ό, π™π™π™ˆπ˜Όπ™‰π™‚π™‚π˜Όπ™‹ 𝙉𝙂 π™π™π™‡π™Šπ™‰π™‚ π™ˆπ™π™‡π˜Ό π™Žπ˜Ό π™π˜Όπ™‰π™‚π™‚π˜Όπ™‹π˜Όπ™‰ 𝙉𝙄 π˜½π™Šπ˜Όπ™π˜Ώ π™ˆπ™€π™ˆπ˜½π™€π™ π˜Όπ™‰π™‚π™€π™‡π™„π˜Ύπ˜Ό π™…π™Šπ™‰π™€π™Ž π˜Όπ™‡π˜Όπ™π™‘...
29/06/2026

500 π˜½π™€π™‰π™€π™‹π™„π™Žπ™”π˜Όπ™π™”π™Š π™Žπ˜Ό π™„π™†π˜Ό-3 π˜Ώπ™„π™Žπ™π™π™„π™π™Š 𝙉𝙂 π™‡π˜Όπ™‚π™π™‰π˜Ό, π™π™π™ˆπ˜Όπ™‰π™‚π™‚π˜Όπ™‹ 𝙉𝙂 π™π™π™‡π™Šπ™‰π™‚ π™ˆπ™π™‡π˜Ό π™Žπ˜Ό π™π˜Όπ™‰π™‚π™‚π˜Όπ™‹π˜Όπ™‰ 𝙉𝙄 π˜½π™Šπ˜Όπ™π˜Ώ π™ˆπ™€π™ˆπ˜½π™€π™ π˜Όπ™‰π™‚π™€π™‡π™„π˜Ύπ˜Ό π™…π™Šπ™‰π™€π™Ž π˜Όπ™‡π˜Όπ™π™‘π˜Ό

LAGUNA – Umabot sa 500 benepisyaryo mula sa iba't ibang sektor sa Ikatlong Distrito ng Laguna ang tumanggap ng tulong at assistance program na pinangunahan ng Tanggapan ni Board Member Angelica Jones Alarva.

Kabilang sa mga nakinabang sa programa ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), mga indigent family o kapus-palad na pamilya, solo parents, persons with disabilities (PWDs), senior citizens, miyembro ng LGBTQIA+ community, at mga benepisyaryo ng burial at medical assistance.

Nagpahayag ng pasasalamat si Board Member Alarva sa Diyos sa matagumpay na pagsasagawa ng programa at sa patuloy na biyayang maihatid ang serbisyo sa mga nangangailangan.

Pinasalamatan din niya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang pambansang pamahalaan sa patuloy na paglalaan ng pondo at mga programang nagbibigay ng tulong sa mga pamilyang Pilipino.

Nagbigay rin ng pagkilala ang tanggapan ni Alarva sa Action Center at Provincial Engineer's Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gobernador Sol Aragones sa pagpapahiram ng mga upuan at truck na ginamit sa pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo.

Ayon sa opisyal, patuloy nilang ilalapit ang mga programa at pondo ng pamahalaan upang makapaghatid ng pag-asa, malasakit, at makabuluhang serbisyo publiko sa bawat mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng agarang tulong at suporta

With Metro Pacific Tollways Corporation – I just got recognized as one of their top fans! πŸŽ‰
27/06/2026

With Metro Pacific Tollways Corporation – I just got recognized as one of their top fans! πŸŽ‰

P30K NA PABUYA, INILAAN PARA SA IMPORMASYON SA NAWAWALANG BATANaglaan ng tatlumpung libong pisong pabuya si G. Jeremy Ar...
27/06/2026

P30K NA PABUYA, INILAAN PARA SA IMPORMASYON SA NAWAWALANG BATA

Naglaan ng tatlumpung libong pisong pabuya si G. Jeremy Arvesu para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o detalye sa kinaroroonan ng batang nasa larawan.

Ayon kay Arvesu, handa siyang ibigay ang naturang halaga sa sinumang makapagtuturo kung nasaan ang bata upang matulungan ang mga magulang na mahanap at muling makasama ang kanilang anak.

Patuloy ang panawagan sa publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad o sa tanggapan ng Arvesu Land kung may nalalaman tungkol sa nawawalang bata.

Anumang impormasyon, gaano man kaliit, ay maaaring maging susi sa ligtas na pagbabalik ng bata sa kanyang pamilya.

Aly Toscana

Address

Santa Cruz

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Digital TV News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share