05/04/2026
Lubos po kaming nakikiramay sa pagpanaw ng mahal na Mayor Padrid. Ang inyong pagkawala ay isang malaking kalungkutan hindi lamang sa inyong pamilya kundi sa buong komunidad na inyong pinaglingkuran.
Maraming salamat po sa dalawang taon na ipinagkaloob ninyo sa aming team ang pagkakataong maging Official Live Coverage ng Bayeรฑa Festival. Ang tiwala at suportang ibinigay ninyo sa amin ay isang karangalang hindi namin malilimutan. Dahil sa inyong pamumuno, nabigyan kami ng pagkakataon na maipakita sa mas maraming tao ang ganda, saya, at kultura ng inyong bayan.
Higit pa sa isang lider, kayo po ay naging inspirasyon sa maraming tao dahil sa inyong dedikasyon, malasakit, at tunay na serbisyo para sa bayan. Ang inyong mga nagawa at ambag sa komunidad ay mananatiling buhay sa puso at alaala ng mga taong inyong natulungan.
Ang inyong kabutihan at suporta sa aming grupo ay hinding-hindi namin makakalimutan.
MARAMING SALAMAT MAYOR JOSE PADRID๐๏ธ
PABATID PUBLIKO
Ipinababatid po sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Bay ang pagpanaw ngayong araw ng ating Punumbayan, Kgg. Jose O. Padrid.
Si Mayor Padrid ay naglingkod sa ating bayan nang may buong katapatan, malasakit, at dedikasyon. Sa kanyang pamumuno, naipatupad ang iba't-ibang programa at proyektong naglalayong mapaunlad ang ating komunidad at mapabuti ang kapakanan ng bawat Bayeรฑos.
Kaugnay nito, ang Lokal na Pamahalaan ng Bay ay nakikiisa sa kanyang naiwang pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Ang mga detalye ukol sa mga susunod na anunsyo, kabilang ang mga kaukulang seremonya, ay ipababatid sa mga susunod na araw.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa panalangin para sa kapayapaan ng kaniyang kaluluwa.
Maraming salamat po.