01/10/2026
October 1, 2026 ng lagdaan ng ating Punong Bayan ang Executive Order No. 47, S. 2026, na nagtatatag sa Municipal El Niรฑo Task Force 2026โ2027 upang higit na pagtibayin ang paghahanda ng Santa Cruz laban sa posibleng epekto ng El Niรฑo.
Sa panahon ng matinding init at tagtuyot, mahalaga ang maagap na pagkilos at sama-samang paghahanda. Sa pamamagitan ng Task Force, mas mapagtitibay ang koordinasyon ng ating mga tanggapan, barangay, national government agencies at ibaโt ibang sektor ng komunidad.
Ayon sa pinakahuling United Nations regional assessment para sa Asia-Pacific, bagamaโt inaasahang lalakas ang El Niรฑo sa mga susunod na buwan, ang ilan sa pinakamabigat na epekto nito sa agrikultura at food security ay maaaring maramdaman pa sa huling bahagi ng 2026 at sa 2027. Maaari ring magpatuloy ang kakulangan sa tubig, pagkatuyo ng mga pananim, matinding init at iba pang epekto kahit humina na ang El Niรฑo.
Kaya mahalagang kumilos habang may panahon pa para makapaghanda. Bahagi ng Executive Order ang pagbuo ng mga specialized task force na tututok sa water security, food security, kalusugan, fire prevention, environmental protection, social assistance at public information, upang magkaroon ng malinaw at mabilis na pagtugon sa bawat posibleng epekto ng El Niรฑo.
Hindi natin kailangang hintayin na maranasan ang pinakamalalang epekto bago tayo kumilos. Sa maagap na paghahanda at pagtutulungan ng pamahalaan, mga barangay at bawat pamilyang taga-Santa Cruz, mas mapoprotektahan natin ang ating tubig, pagkain, kabuhayan, kalusugan at kaligtasan.