
01/02/2022
BASAHIN: Umabot sa 193 tao sa Cebu mula sa mga pribado at publikong ospital ang namatay dahil sa COVID-19 nitong nakaraang buwan, Enero 2022.
Ang bilang ng mga nasawi galing sa pribadong ospital ay 78, samantalang 115 naman sa pampublikong ospital. Karamihan sa kanila ay may comorbidities at 74.1% o 143 ang unvaccinated at 50 ang fully vaccinated.
Samantala, bumaba sa 5.9% ang active cases sa Cebu, mula sa 7,429 ay naging 6,985 na lamang ngayong Pebrero.
READ MORE: https://ptvnews.ph/nearly-200-deaths-recorded-in-cebu-in-january/