11/09/2023
"Kaloob"
Huwag kang manatili sa relasyong pilit na pinaparamdam sayong kulang ka.
Dahil may isang taong walang ibang hahangarin kundi iparamdam sayong sapat ka.
At para sa kanila lubos mong pinaganda ang mundo simula nung dumating ka sa buhay nila.
Yung hindi ka titiisin kapag hindi kayo nagkakaintindihan.
Yung hindi ka pagsasalitaan nang mabibigat na salita kapag di kayo nagkakaunawaan.
Yung hindi ipamumukha sayong hindi ka na dapat pinili pa at minahal.
Yung hindi magsasawang alagaan ka kapag dinuduyan ka na naman ng lungkot at bagabag.
Yung pilit kang yayakapin kapag nagpupumiglas ka.
Yung pilit kang kakausapin kahit nasa isip niyang baka sigawan mo lang sya.
Yung hindi sasayangin yung pagmamahal na binubuhos mo.
Na hindi man mapantayan ngunit pipiliting suklian ang lahat ng pagpapagal mo sa relasyon nyo.
Yung hindi bibilangin yung mga pagkakamali mo.
Yung mas mamahalin yung buong ikaw,
Kaysa hanapin sa iba yung mga wala sayo.
Huwag mong ipilit ang sarili sa relasyong pinipihit na ng Ama sa harap mo.
Huwag ka nang pumikit kapag pinapakita na sayo.
Huwag ka nang magbingi-bingihan kung nilalantay na sa mga tainga mo.
At tama na ang pagsugat sa sarili mo sa patuloy na pagkakait sa puso na maghilom.
Dahil kapag para sayo, para sayo.
Hindi mo kailangang ipagpilitan kasi sayo ipinagkakaloob.
Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili dahil kukupkupin kang lubos.
Hindi mo kailangang magmakaawang mahalin, dahil ang bagay na yun ay hindi kailanman nililimos.
Bakit hindi mo asahan ang taong laan sayo ng Diyos,
Yung taong hindi ka hahayaang maubos,
Yung taong hindi ka sisirain at ilalapit ka sa paglilingkod.
Yung taong isasalabi sa Ama ang pangalan mong may pagpapasalamat.
Yung taong itatangis sa Ama na sana ibiyaya ka pa.
Yung taong titigan lang ang iyong mga mata at nakikita ang bawat bukas kasama ka.
Yung taong hinihiling ka sa Ama,
Inihahabilin ka,
At nagmamakaawa sa Kanya na kung hindi ipagkakasala,
Itulot sana Niya na pang-habangbuhay na.
Mas magandang maghintay sa kaloob,
Kaysa ipilit ang gusto lang ng puso.
Credits: ka Prince Kyle Bautista