The Brief

The Brief Your daily digest of news, context, and insight. Quick. Clear. Essential.

Patuloy na bumababa ang bilang ng isinisilang na sanggol sa Pilipinas, ayon sa 2025 National Demographic and Health Surv...
27/05/2026

Patuloy na bumababa ang bilang ng isinisilang na sanggol sa Pilipinas, ayon sa 2025 National Demographic and Health Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Lumabas sa pag-aaral na nasa 1.7 na lamang ang average na bilang ng isinisilang mula sa dating 4.1 noong 1993.

Ayon sa PSA, mas kaunti ang nagiging anak ng mga kababaihang may mataas na edukasyon at mas maayos na antas ng pamumuhay.

Samantala, pinakamababa ang average na bilang ng anak sa CALABARZON habang pinakamataas naman sa BARMM.

Nadagdagan pa ang mga legal na suliranin ni Atty. Jesus Falcis matapos siyang sampahan ng panibagong reklamong cyber lib...
27/05/2026

Nadagdagan pa ang mga legal na suliranin ni Atty. Jesus Falcis matapos siyang sampahan ng panibagong reklamong cyber libel ni Jean Alia Robles, ang deputy chief of staff ni Sen. Robin Padilla.

Ang pinakahuling kasong ito ay nag-ugat sa mga itinuturing ng kampo ni Robles na "malisyoso, iresponsable, at walang basehang" mga post ni Falcis sa social media, kung saan idiniin nito na sangkot umano si Robles sa pagtatago o pagpapatakas kay Sen. Bato Dela Rosa.

Ayon kay Atty. Mark Tolentino, ang legal counsel ni Robles, hindi nila papayagang makaladkad ang pangalan, integridad, at record sa serbisyo publiko ng kaniyang kliyente sa mga gawa-gawang naratibo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naharap sa ganitong uri ng usaping ligal ang abogado. Bago ang reklamo ni Robles, bitbit na rin ni Falcis ang 38 na magkakahiwalay na kasong libel na isinampa naman laban sa kaniya ng dating kongresista at alkalde ng Navotas na si Toby Tiangco.

Nananawagan ng hustisya at pananagutan ang mga pamilya ng mga biktima matapos ang pagbagsak ng isang siyam na palapag na...
27/05/2026

Nananawagan ng hustisya at pananagutan ang mga pamilya ng mga biktima matapos ang pagbagsak ng isang siyam na palapag na gusali sa Angeles, Pampanga. Hiniling nila na papanagutin ang may-ari, engineer, at contractor ng proyekto habang marami pa ring nawawala matapos ang trahedya.

Ayon sa mga opisyal, hindi bababa sa 16 katao ang pinaniniwalaang nasawi habang nagpapatuloy ang paghahanap sa iba pang posibleng natabunan ng mga debris.

Sinabi ni Angeles City Information Officer Jay Pelayo na nakapagbigay na ng listahan ng mga manggagawa ang site engineer na nasa lugar noong mangyari ang pagguho. Gayunman, wala pa ring pahayag o pagharap mula sa may-ari at contractor ng gusali hanggang sa kasalukuyan.

Inihayag ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V na umaasa ang Kamara na maghahain ng detalyado at komprehensibong sagot ...
26/05/2026

Inihayag ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V na umaasa ang Kamara na maghahain ng detalyado at komprehensibong sagot si Vice President Sara Duterte sa mga artikulo ng impeachment laban sa kanya sa halip na isang motion to dismiss.

Ginawa ni Ortega ang pahayag kaugnay ng nakatakdang huling araw sa June 1 para sa 10-day non-extendible period na ibinigay ng Senate impeachment court.

Binigyang-diin ng mambabatas na kung maghahain ang kampo ng bise presidente ng mosyon para ibasura ang kaso o hihilinging hintayin muna ang pasya ng Korte Suprema, maituturing lamang itong "dilatory tactic" o pamamaraan para patagalin ang proseso.

Binigyang-diin ni Senator Rodante Marcoleta na ang reklamong plunder at indirect bribery laban sa kanya ay gawa-gawa lam...
26/05/2026

Binigyang-diin ni Senator Rodante Marcoleta na ang reklamong plunder at indirect bribery laban sa kanya ay gawa-gawa lamang upang patahimikin siya sa pagtuligsa sa flood control at mabulabog ang kampo bago ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinagot ng senador ang paratang ng Ombudsman na tumanggap siya ng P75 milyong piso noong January 2025 na hindi idineklara sa kanyang SALN.

Habang iginiit ng kawanihan na ito ay korapsyon, pinalagan ito ni Marcoleta at sinabing haharapin niya ang usapin sa tamang forum sabay pasaring kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa pagbaluktot umano sa batas.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema nitong Lunes ang dahilan sa pagtanggi sa hiling na Temporary Restraining Order (TRO) at St...
26/05/2026

Ipinaliwanag ng Korte Suprema nitong Lunes ang dahilan sa pagtanggi sa hiling na Temporary Restraining Order (TRO) at Status Quo Ante Order (SQAO) ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa upang harangin ang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Binigyang-diin ng mataas na hukuman na nabigo ang kampo ng senador na patunayang may malinaw siyang karapatan na dapat protektahan ng TRO.

Ayon sa korte, ang mga legal na usapin gaya ng hurisdiksyon ng ICC matapos umalis ang bansa sa Rome Statute ay diringgin pa sa main petition.

Pinagana na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Estero de Sunog Apog Pumping Station sa Tondo matapos ...
25/05/2026

Pinagana na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Estero de Sunog Apog Pumping Station sa Tondo matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, kasunod ng anim na taon nitong pagkakatengga.

Sa inspeksyon ni Public Works Secretary Vince Dizon kasama ang mga lokal at transport officials, tiniyak ang agarang operasyon ng pasilidad upang makatulong sa pagbawas ng pagbaha sa Maynila tuwing tag-ulan at bagyo. Ayon sa DPWH, pinapabilis din ang pagkukumpuni ng ikaapat na pump upang mapalakas pa ang kapasidad ng pumping station at masigurong tuloy-tuloy ang operasyon nito para sa mga residente ng Tondo at mga kalapit na lugar.

The Bureau of Customs’ reaffirmed support for the expansion of the FedEx Clark Gateway reflects how customs operations a...
25/05/2026

The Bureau of Customs’ reaffirmed support for the expansion of the FedEx Clark Gateway reflects how customs operations are increasingly being positioned as a critical component of logistics and trade infrastructure development. Beyond border enforcement, the role of Customs now extends to enabling faster cargo movement, supporting supply chain efficiency, and ensuring that major logistics hubs can operate at globally competitive standards.

The planned expansion of the Clark facility into a 78,000-square-meter logistics hub signals the growing importance of the Philippines within regional express cargo and e-commerce networks. As trade increasingly relies on speed, predictability, and digital coordination, infrastructure alone is no longer sufficient—efficient customs processing and secure border operations have become equally essential to maintaining competitiveness in the Asia-Pacific logistics sector.

Under Commissioner Ariel F. Nepomuceno, the Bureau’s continued engagement with large-scale logistics developments highlights a broader institutional direction toward trade facilitation and modernization. By aligning customs operations with expanding logistics capacity, the agency reinforces its evolving role not only as a regulatory body but also as an operational partner in economic and commercial growth.

Usap-usapan ngayon ang sitwasyon sa Senado kung saan mayroon umanong plano ang ilang kaalyadong senador ni Vice Presiden...
25/05/2026

Usap-usapan ngayon ang sitwasyon sa Senado kung saan mayroon umanong plano ang ilang kaalyadong senador ni Vice President Sara Duterte na mapabilis ang pagtalakay sa impeachment complaint laban sa kaniya.

Ayon sa mga usap-usapan sa loob ng mataas na kapulungan, posible umanong maghain ng mosyon ang mga senador na kaalyado ng bise presidente upang agad na maibasura ang reklamo kahit hindi pa lubusang nailalatag ang mga ebidensya mula sa House prosecutors.

Kaugnay nito, muling naging matunog ang panibagong kudeta kung saan posible umanong maluklok si Sen. Win Gatchalian bilang bagong Senate President.

Gayunpaman, may ilang sektor na nangangamba dahil sa dating alyansa nina Gatchalian at Duterte at posible umanong hindi mabigyan ng sapat na pagkakataon ang paglilitis at maapektuhan ang kredibilidad ng impeachment process.

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo na wala pang ipinalalabas na Hold Departure Order (HDO) laban kay Se...
25/05/2026

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo na wala pang ipinalalabas na Hold Departure Order (HDO) laban kay Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, at kasalukuyan lamang siyang nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang HDO o Precautionary HDO ay nanggagaling sa korte kapag may "flight risk" o posibilidad na tumakas ang akusado, at ang BI lamang ang nagpapatupad nito sa mga international airport at seaport.

Sa kaso ng ILBO na ipinalabas ng Department of Justice (DOJ) nitong unang bahagi ng May, layunin lamang nitong bantayan ang paggalaw ng senador at kung sakaling tangkaing umalis ng bansa ni Dela Rosa, mandato ng mga immigration officer na makipag-ugnayan sa mga kaukulang law enforcement agency para isilbi ang umiiral na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Kenya sa mga Pilipino sa Democratic Republic of the Congo (DRC) at Uganda matapos id...
25/05/2026

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Kenya sa mga Pilipino sa Democratic Republic of the Congo (DRC) at Uganda matapos ideklara ng WHO ang Ebola outbreak bilang isang Public Health Emergency of International Concern.

Hinimok ng embahada ang komunidad na maging mapagmatyag, umiwas sa mga lugar na may kaso ng sakit, at sundin ang mga health protocol tulad ng paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa direktang pakikisalamuha sa mga may sintomas.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang paghawak sa bodily fluids ng mga pasyente, pakikisalamuha sa mga mababangis na hayop, at pagkain ng bushmeat, habang pinayuhan din ang mga Pinoy na tiyaking updated ang kanilang mga travel document para sa posibleng emergency.

Address

Santa Ignacia

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Brief posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share