12/09/2025
Alam mo ba kung ano ang unang motorsiklo na gumulong sa Pilipinas?
Noong early 1910s, dinala ng mga Amerikano ang Harley-Davidson Model 10F V-Twin sa bansa. Ginamit ito ng Philippine Constabulary at ng U.S. Army bilang patrol at service motorcycle. Madalas pa itong may sidecar, kaya naging simbolo ng kapangyarihan at modernong transport noon. Pero noong 1940s, panahon ng Japanese occupation, pumasok din ang brand na Rikuo.
Alam mo ba na ang Rikuo ay isang licensed copy ng Harley-Davidson Model VL? Ibig sabihin, halos kaparehong-kapareho ng Harley ang itsura at makina nito—pero gawa sa Japan. Ginamit naman ito ng mga sundalong Hapon bilang military motorcycle.
Ang mga motor na ito—Harley at Rikuo—ay hindi lang naging bahagi ng kasaysayan ng digmaan, kundi nag-iwan din ng impluwensya sa mga Pilipino.
Dito nagsimulang ma-expose ang mga Pinoy sa ideya ng motorsiklo bilang matibay, maaasahan, at pang-araw-araw na gamit sa transportasyon at trabaho.
At mula noon hanggang ngayon, dala pa rin natin ang kultura ng motorsiklo—mula sa big bikes hanggang sa underbones at scooters na gamit ng mga rider araw-araw.
Kung proud ka na maging parte ng motorcycle culture sa Pinas, i-share mo ito at ikwento kung ano ang unang motor na nakita o nasakyan mo!
👉 Harley o Rikuo — alin ang mas astig para sa’yo?
👉 Follow NG Motorcycle Enthusiasts para sa mas marami pang kasaysayan at trivia tungkol sa mga motor!