21/08/2026
I’ve been spinning for corporates, weddings, debuts, birthdays, music festivals, product launching, and kung ano-ano pang events. I’ve also worked with different hosts na iba-iba ng character, style, and needs sa program.
Totoo naman na kapag corporate event, hindi naman lahat ng FX or sound effects bagay. May mga times talaga na pag masyadong playful yung scoring, hindi siya aakma sa event. Pero para sakin, depende pa rin talaga sa event at sa kailangan ng host.
May mga wedding na formal and intimate na talagang walang FX. Meron din namang events na mas lively at mas bagay yung ganung klaseng atake.
Isa rin naman sa dahilan kung bakit bina-book ang isang host is because of their personality and kung paano nila dalhin yung program. For sure, alam naman ng client kung anong klaseng host yung kinukuha nila, pati na rin yung magiging approach ng spinner na makakasama nila.
As a spinner, dapat alam din natin kung anong event yung hawak natin. Hindi naman pwedeng isang style lang lahat. We adjust depending sa host, sa program, at sa audience.
Kaya no hate, love love lang tayo sa DJ/Spinner community. ❤️
After-party ka man, program scoring, wedding, corporate, birthday, festival—pare-pareho lang tayong nagtatrabaho.
Hindi porke hindi mo style, mali na. At hindi porke iba ang approach mo, mas magaling ka na. Respect the craft, respect the lane. May kanya-kanya tayong trabaho, at lahat may lugar sa industry na ’to. 🎧🤝