27/12/2024
Natagpuan ng mga mananaliksik sa Siberia, Russia ang halos kumpletong bangkay ng isang batang mammoth na tinatayang higit 50,000 years na.
Nadiskubre ito sa Batagaika crater na nasa 80 meters ang lalim. May timbang ito na mahigit 110 kilos at nakuha gamit ang isang improvised stretcher.
Ayon sa mga mananaliksik, hindi karaniwan na nananatiling buo ang ulo at trunk ng mammoth matapos mamatay, lalo't kadalasang naaunang kainin ng mga hayop o ibon ang mga bahaging ito.
Kamakailan ay natagpuan sa Yakutia, Russia ang 32,000-year-old na labi ng isang sabretooth cat cub at 44,000-year-old na bangkay ng isang lobo.
πΈ: Reuters