24/06/2025
"Paano Bawasan ang Araw-Araw na Gastos"
Hindi mo kailangang maghintay ng malaking sweldo para makaipon—ang sekreto ay nasa tamang pag-manage ng araw-araw na gastos. Minsan, hindi natin napapansin, pero sa mga maliliit na gastos tayo nauubusan. Good news? Kaya mo ‘yan bawasan!
Narito ang ilang praktikal na tips para makatipid sa pang-araw-araw:
🧾 1. Gumawa ng Budget Plan
Simulan mo sa simpleng budget. Ilagay kung magkano ang income mo, at i assign ang bawat piso pambayad ng bills, grocery, savings, at iba pa. Kapag may plano ka, mas madali iwasan ang overspending.
🛍️ 2. Mag-Grocery ng Maramihan
Mas mura kapag maramihan ang bili sa palengke o supermarket. Gamitin ang listahan para maiwasan ang impulse buying. Magdala rin ng eco bag bawas gastos, bawas plastic.
📱 3. Limit Online Spending
Shopee o Lazada check out na naman? Bago magcheckout, itanong sa sarili: “Kailangan ko ba talaga to?” Madalas, gusto lang, hindi need.
🔌 4. Tipid sa Kuryente at Tubig
Unplug appliances na hindi ginagamit. Gamitin ang natural light sa umaga. At kung malakas ang tubig sa gripo, ayusin agad bawat patak, may bayad.
🧠 5. Mag-Invest sa Kaalaman
Baka magtaka ka, pero ang pagaaral ng money management o kahit freelancing skills ay long term tipid hack. Mas maraming alam = mas maraming diskarte.
📶 6. Sulitin ang Internet at Subscriptions
May mga subscription ka bang hindi mo naman nagagamit? I-cancel mo muna. At kung may mas murang internet plan na swak sa gamit mo, switch ka na.
☕ 7. Iwas Gasto sa Labas
Mahilig ka bang bumili ng milk tea, kape, o fast food? Kung araw-araw, malaki ang nauubos. Try mo magluto sa bahay o gumawa ng sariling kape. Mas tipid na, mas healthy pa.
"Disiplina ang Susi"
Walang magic formula sa pagtitipid ang disiplina at consistency ang tunay na paraan. Unti unti, makikita mo ang laki ng naiipon mo, at mas magiging confident ka sa pera mo.
Ccto