15/12/2025
πππππππ‘π π‘πππ¨ππ’π π¦π πππππππ‘-π¦ππ‘π§π π ππ₯ππ ππ₯ππππ π‘π π‘πππ§ππ π’ π‘π π πππ’π₯ ππ‘ππ¨π₯πππ¦ π¦π πππ§ππͺππ‘, ππππππππ¦ π‘π π‘πππ¬π’π‘π ππ₯ππͺ π¦π π’π¦π£ππ§ππ
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki matapos magtamo ng malubhang sugat at injury sa iba't ibang parte ng katawan matapos mahulog noong nakaraang gabi, Disyembre 10, taong kasalukuyan, sa Cabagan Santa Maria Bridge.
Kinilala ang biktima na si Mark Gazzingan Cureg, 33 taong gulang, may asawa, isang rider, residente ng Mozozzin Sur, Santa Maria, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Xfm Tuguegarao sa kaanak ng biktima, naglalakad umano ito habang nagce-cellphone sa Cabagan Santa Maria Bridge, patungong bayan ng Cabagan upang sunduin sana ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa nasabing bayan ng hindi nito namalayan na iba ang kanyang inapakan sa ginawang hagdanan ng mga residente sa parte ng tulay na bumagsak, dito na nangyari ang insidente, kung saan naging duguan ang ulo matapos ito mahulog sa mataas na tulay.
Agad naman itong nirespondehan ng mga residente at rescuer mula sa karatig bayan, kung saan agad itong dinala sa Milagros Hospital sa bayan ng Cabagan upang gamutin.
Dagdag pa ng kaanak nito, itinahi ang noo ng biktima at nagkaroon rin ng injury sa binti, talampakan, at iba pang parte ng katawan. Nilinaw naman ng kaanak na hindi ito nakainom o lasing sa gabing nangyari ang insidente.
Sa ngayon, labis naman ang lungkot ng biktima bilang padre de pamilya, bilang isa sa inaasahan ng kanilang pamilya, na kahit raw makalabas umano ito sa hospital, ay hindi maibabalik agad ang lakas lalo pa at hindi pa tuluyang naghilom ang pinsala sa kanyang katawan. Samantala, nakatakda namang ilalabas na ngayong araw, Disyembre 15, ang biktima sa Milagros Hospital.
Matatandaan na bumagsak ang tulay na dinaanan ng biktima noong Pebrero 27, 2025, na ngayon ay pansamantalang ginagawang daanan ng mga residente kapag lubog ang Cabagan Santa Maria Overflow Bridge, habang ang iba naman ay sumasakay sa bangka.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
ππππ ππ‘π ππ’πππ’πͺ: https://www.facebook.com/share/1AZVirj9bK/?mibextid=qi2Omg
π¦π¨ππ¦ππ₯πππ:
https://youtube.com/?si=qxuvz3N06hOKV1Kz