
02/04/2025
TEKA LANG, SANDALI LANG~
Sa bawat pitik ng lente, kakikitaan ito ng kislap at bagay na nais buhayin at patagalin—ang mga alaala o detalye na madalas ay lalamanin ng mga dokumentaryong madalas na nakikita sa mga screen.
Busy ka ba? Tara, buo tayo ng sandali!
Kung ikaw ay mag-aaral mula sa ABF na kumukuha ng kursong FILI 361 | Pagsulat ng Iskrip, Panradyo at Pantelebisyon at miyembro ng Kabataang Mamamahayag sa Filipinolohiya—samahan kami bukas, ika-3 ng Abril, 2025 sa programang pinamagatang "Sa Pagbuo ng Sandali: Lektura at Workshop Hinggil sa Pananaliksik Para sa Dokumentaryo" sa ganap na 1:00 – 5:00 n.h. sa PUP ITECH Audio-Visual Room para sa talakayang puno ng aral at pagpapahalaga sa bawat sandaling ating nakikita sa likod ng mga lente.
Kasama ng pagkatuto sa mga kuwentong dala ng mga pitik na inipon sa dokumentaryo, ating aaralin ang pananaliksik para makabuo ng mga ito—mga kuwentong nakadokumento.
-
Likha nina: Heisha Agustin, Rizza Mae Echegoyen at Mary Nicole Delantar
Kapsyon ni: Nicole Casiano