06/09/2025
Kwentong MUSLiM DiVORCE✨
Maraming nagtatanong sa community tuwing outreach activities, kung totoo ba daw na ang Mister lang ang pwedeng humingi ng hiwalayan o di kaya naman paminsan, ang nangyayari ay ayaw daw ni Mister na pumirma. Pero alam niyo ba na maraming iba’t-ibang uri ng divorce under sa Muslim Code.
Talakayin natin ng pahapyaw lang, para may general idea lang tayo. Kung detailed discussion, pwede kayong sumangguni sa ating mga respective Shariah Counselors o di kaya ay magbasa ng annotated books patungkol dito.
Sabi nga sa Holy Quran, Al-Baqarah (2:228) “And woman shall have rights similar to the right against them according to what is equitable.”
🧒🏻 Kapag si MISTER ang magpapa-divorce, paano nga ba?
1. TALAQ - Pag takwil ni Mister kay Misis. Ito ang pinaka kairaniwan, kung saan, sasabihin ni Mister na hihiwalayan niya na si Misis.
2. ILA – Panunumpa ni Mister na di na siya makikipagtalik sa kanyang Misis for at least 4 months.
3. ZIHAR – Kapag kinukumpara ni Mister si Misis sa isang kamag-anak na babae na bawal pakasalan (halimbawa, pagkukumpara sa kanyang ina).
4. LI’AN – Kapag inakusahan ni Mister si Misis ng adultery (o panlalalake) sa korte
👧🏻 Kapag si MISIS ang magpapa-divorce, kailan pupwede?
1. KHUL’ – Mag-aalok si Misis na ibalik ang mahr o dowry, kapalit ng kalayaan mula sa kasal.
2. TAFWID – Kung binigyan ni Mister si Misis ng karapatan na mag initiate o mag declare ng divorce.
3. FASKH – Judicial divorce. Pwede ito kung:
💔Di nagbibigay ng support si Mister for 6 consecutive months
💔Nakulong si Mister for 1 year or more
💔Di ginagampanan ang responsibilidad bilang asawa
💔May sakit, baliw o impotent si Mister
💔Binubugbog o pinahihirapan si Misis
💔Pinipilit sa immoral acts
💔O di kaya ay iba pang valid na dahilan na tulad ng mga nabanggit ayon sa Muslim Law
🧑🧑🧒🧒Mubaraat - kapag nagkasundo naman si Mister at si Misis na maghiwalay na, pwedeng kahit sino sa kanila ang mag intiate ng divorce.
🔖 For Muslim spouses only and those governed by P.D. No. 1083.
📍 Shari’a courts lang ang puwedeng mag-issue ng decree. 💯Tandaan po na kahit naghiwalay na kayo sa Barangay Council at may kasunduan na, kailangan paring mag file ng divorce sa korte para ma-cancel ang inyong mga Certificate of Marriage.
📍Hindi tayo nag encourage na mag Divorce kayong mag asawa, bagkus kailangan dumaan sa tamang proseso.
📍Ang post na ito ay bilang karagdagang kaalaman lamang.
Source: ✍️Atty./Shari'a Councel Rufha Ikhlaman