27/07/2026
Story time ✨
Bilib talaga ako dito kay dadey Rich 🥹🤍 Kahit saan kami pumunta, lalo na kapag may party, hands-on talaga siya kay Liam. Kita niyo naman, ultimo pagbubuhat kay Liam ayaw na niyang ibigay sa’kin. 😂
Siya ang nag-aalaga, nagbubuhat, taga-asikaso ng mga gamit, taga-sakay ng lahat sa kotse—parang siya na talaga ang all-around daddy hanggang sa makauwi kami. Ako? Nasa sulok lang, picture-picture. 🤣📸
Makakarga ko lang si Liam kapag oras na ng dede niya. 😂🍼 The rest, sa daddy niya lahat. Kaya bilib talaga ako sa’yo, Dady! 🤍
By the way, ang pogi niyong dalawa dito! 😍 Lalo na si Liam—napagkakamalang anak ng foreigner. Samantalang ako raw mukhang Chinese, chinita daw. 😭😂
Pero tignan niyo naman kasi yung tatay… mukhang foreigner naman talaga! May kulay pa ang buhok! Bwahahaha! 🤣🤍