17/04/2026
Mababait ang mga anak ko kapag nasa labas ✌🏼
Oh bago niyo ako sabihan na “wow perfect naman ni momshie”, ugaliin munang magbasa ha.
Eto na nga…
Sa Starbucks sa Enchanted Kingdom kuha ang picture na ‘to. Akala ko since sa EK ito eh mga 90% ng nasa loob, galing o papasok ay may kasamang bata. Pero hindi, maraming adults ang naka-laptop na maaaring may meeting o tahimik na nagkwekwentuhan.
So bago kami umupo, sinabihan ko ang mga bagets na huwag magpapasaway. Kinuwento ko na maraming adults ang nagpo-post na ayaw nila ng bata sa coffee shops as much as possible kasi maingay raw at hindi naman daw dapat nagpupunta ang mga bata roon. 👀
Siyempre ang Gen Z kong teenager may sagot agad. Yung dalawa kong Gen Alpha, napatanong talaga ng “WHY?!”
I explained to them some of the reasons na nabasa ko online.
Gusto ko kasi na aware sila na:
— hindi lahat ng adults ay may kapasidad na umintindi
— hindi lahat ng may pinag-aralan ay kayang tanggapin na ang mga bata ay nagsisimula pa lang matutong mag-regulate ng kanilang emotions
— hindi lahat ng naaawa sa mga batang nasa giyera ay may puso rin para sa mga batang nasa coffee shops
— hindi porque funny ang content ng isang social media personality ay may pasensya na ito sa batang umiiyak sa restaurant lalo kung para sa kanya ay hindi cute
Sinabi ko ‘yun hindi para matakot sila sa ibang tao kundi para ma-protect ang peace namin as a family.
Sabi sa nabasa ko, “a loud child is a happy child.”
I highly agree.
Pero yun nga, hindi lahat kayang intindihin at tanggapin ‘yon.
May ilan na ang naging trauma response sa pinagdaanan nila noong bata ay piliing i-hate ang mga bata.
Kaya ano nga ba ang sinasabi namin sa kanila tuwing lalabas kami?
“Huwag kayong magpapasaway na aabot sa puntong magre-react ako. Kasi syempre, magre-react din si Tatay. Tapos mapapatulan namin kung sino man ang sumaway sa inyo. For sure, may magvi-video niyan. Pagpipiyestahan tayo sa social media tapos makukulong kami. Kayo rin ang kawawa.”
Kaya ayan hahahahahahaha ang be-behave nila. Naglaro na lang ng mga baso na pinaglagyan ng hiningi naming water. Mapapasabi ka talaga ng “kaya naman pala eh, ganyan kasi dapat.”
So hindi na ba sila happy kids kasi hindi sila loud and noisy? Well, doon sila sa rides naghumiyaw nang malala, so I guess happy kids pa rin naman.
Mej harsh ba yung sinabi ko? Wala eh, minsan kailangan talaga ng gano’ng level na briefing bago lumabas, lalo na sa panahon ngayon na konting ma-bad mood lang ang bagets eh mahuhusgahan na agad na masama tayong magulang na para bang sila as adults eh hindi naba-bad mood. 🤷🏻♀️