11/07/2025
MGA BAWAL KAININ KAPAG MAY MENSTRUATION
ー Maselan ang pagmemenstration sapagkat ang mga babae ay maraming bawal kainin, minsan may mga babaeng hindi alam tungkol dito, kaya tuwing mayroon sila sobrang sakit ng kanilang puson, namimilipit sa sakit, kadalasan kapag ito'y hindi naaagapan ay nawawala sa sarili ang mga babae. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga bawal kainin kapag mayroong menstruation.
1. Bawal kumain o uminom ng malalamig na pagkain, tulad ng ice cream, juice, soft drinks, salad, at tubig na may yelo.
2. Bawal kumain ng buko, kapag kumain ka nito maaaring magdilim ang iyong paningin, at huminto ang iyong menstruation.
3. Bawal kumain ng pinya, ito ay nakakapasma ng menstruation, kapag kumain ka nito maaaring sasakit ang iyong puson.
4. Bawal kumain ng malamig na pakwan.
5. Bawal kumain ng maaasim tulad ng manga, sampalok, suha, santol, kalamansi, maasim na sitrus.
6. Bawal kumain ng langka na hinog.
7. Ang kape at alcohol ay kailangan din iwasan dahil pwedeng magdulot ng pagsama ng tiyan at dehydration.
8. Hindi bawal, kailangan din umiwas sa mga maasim at maanghang na pagkain dahil pwedeng magdulot ng acid reflux o pag-akyat ng asido ng tiyan.
9. Iwasan din ang red meat gaya ng baka dahil may sangkap ito na prostaglandin na pwede mag dulot ng pag-cramps uterus.
ー Ang mga sumusunod naman ay mga hindi dapat gawin ng isang babae kapag may menstruation.
1. Bawal magbabad sa tubig lalong lalo na kapag naliligo.
2. Bawal rin maglagay ng maraming shampoo sa ulo sapagkat na bukas ang force ng anit natin at maaaring pasukin ng lamig.
3. Bawal maglaba sapagkat mababad ang iyong paa at kamay sa tubig na ikakadulot ng iyong pagkapasma.
ー Wala naman talagang bawal na pagkain pero hanggat maari, iwasan muna ang mga nabanggit habang may period upang hindi gaanong sumakit ang tiyan o di kaya ay magbago masyado ang mood ng isang babae.
Karaniwan naman na nag-ccrave ang isang babae ng mga pagkain. Ito ay dulot ng pagbabago ng hormone kapag may regla.