Arhyx a Dark Angel from Jupiter

Arhyx a Dark Angel from Jupiter writing what is in my heart
(1)

17/01/2024

🍀 Lucky One 🍀

Since the day I met you,
I've seen a different view,
In my life full of sadness and sorrow,
You're the one that make it glow....

You gave a life in my world,
And everyday I cherish like a gold,
With you by my side is glory,
Without you I'll be gloomy...

Don't you ever leave me,
'Coz if you do my life would be misery,
I feel blessed when I'm with you,
And feel lucky to have you...

So many good things happen in my life,
Since god send you at my side,
Having you is like winning in a lottery,
When I hold you I am so very happy....

I promise to love you 'til eternity,
And make you happy as I can be,
Without you I'll be gone,
'Coz you are my lucky one....🍀

17/01/2024

** A Loner's Cry **

In behalf of my heart,body and soul,
Oh,,I forgot my mind to make it whole,
We are one in your naked eyes,
I know you know we are different when you think twice,
I feel like somebody constantly ignores me,
But still I always show them who I'll be,
I always makes everyone happy,
Sadly no one cares if I'm not happy,
I always do hardworks to earn a living,
And no one ask if my day is tiring,
I always think what to do to help other,
But yet nobody help me when I'm down and bother,
Every piece's of me want to cry,
'Coz everyday we want to die,
Like a leaf that turns to dry,
My body wants to rest after a tiring day,
My mind need peace for thinking all the way,
My heart loves to beat but now tired to breath,
In myself with my soul also want to rest,
'Coz there's so much pain in my chest,
I'm always thinking for somebody,
But no one care's about me,
Sometimes I just want to die,
But wait if I die who would cry??,
If no one cared for me,
Dying alone is so lonely,
Then I don't wanna die,
I'll just fix myself and try,
Try to be the best,
And to let god do the rest,
It is cold here in the dark,
Would you hold my hand
And guide me to the light???!!!!

17/01/2024

⌚ story of my heart ⌚

So long ago since we're apart,
And you left me with a broken heart,
I thought i was so smart,
But i didn't know the reason why you break my heart,

I Can't help myself thinking of you,
Forgeting you is hard to do,
Until now im feelin' blue,
B'coz i knew i still love you,

I know it's about time to forget you,
Because you are happy with someone new,
Maybe i need to forgive you,
So that i can easily forget you,

It's time for me to move on,
Then my life will go on,
And let someone to step on,
In my life that i can rely on,

Thank you for the memory,
That once in my life you've loved me,
And now finally im free,
Free from the past and memory that you shared to me,

Now i found my happiness,
With someone who gave me his best,
He loved me like a princess.
And we are waiting infront of the altar for us to be blessed.

17/01/2024

Ikaw pa rin

Sa bawat araw na nagdaraan,
Ikaw parin ang nasa isipan,
Ang lubos na kaligayahan,
Napalitan ng kalungkutan,

Mula no'ng ika'y lumisan,
At ako ay iyong iwanan,
Ang mga mata'y luhaan,
At puso ko ay sugatan,

Pilitin man na limutin ka,
Ngunit Hindi ko kaya,
'Di mawaglit sa ala-ala,
Hanggang ngayon ikaw pa rin sinta,

Kahit pa ako'y iyong limutin,
Patuloy kang iibigin,
Kahit ika'y wala sa piling,
Kaligayahan mo ang s'yang dalangin,

Kung sa kanya ika'y liligaya,
Ako rin nama'y sasaya,
Sapagkat ang makita kang masaya,
Ang tanging hangad ko sinta,

Sana'y mahalin ka nya,
At wag nang paluhain pa,
Dahil hindi ko makakaya,
Na makitang lumuluha ang iyong mga mata,

Palagi lamang akong narito,
At yan ay asahan mo,
Hindi ako magbabago,
Kahit sa dulo ng buhay ko,

Ikaw parin ang mamahalin,
At patuloy kong hihintayin,
Hanggang muli ika'y maging akin,
Kung siya ay muli kang paluhain....

Sorry ang lame,.,.,.

17/01/2024

"my angel"

Noon ang aking buhay
Ay wala ng halaga
Hanggang dumating ang araw
Na nakilala ko sya
Ang aking mundo
Ay nagkaroon ng kulay at sigla
Minahal ko sya
At bumuo ng pamilya,
Isang pamilyang
Puno ng pag ibig at saya
At ikaw ang syang naging bunga
Ang aking puso
Ay nagalak
Ng maramdaman
Ang una mong hawak
Sa aking k**ay,oh aking anak
Mga luha sa mata
Ay tuluyan ng pumatak
Nang aking marinig
Ang una mong iyak

My angel you are the light of my life
I promise to take care and guide you with all my might
I can do all things just to make you happy
'coz i don't wanna see you lonely

Lahat ng hirap ay kakayanin ko
Maibigay lang ang magandang buhay sa iyo
At ang tanging kaligayahan ko
Makasama ka at makita ko
Ang mga ngiti sa labi mo
Ang proteksyunan ka
Ay obligasyon ko
At walang sino man
Ang makakapanakit sayo
Ika'y ipagtatanggol ko
Sa kahit na sino
Habang sinusubaybayan ko
Ang paglaki mo
Magsikap ka sana sayong pag aaral
Sapagkat ito ay iyong ikararangal
Nawa'y lumaki kang
May takot sa Ama
May kababaang loob
At kahalihalina
Hanggang saking pagtanda
Ang nais ay kapiling ka
Sapagkat ang mawalay kay
Hindi ko kaya.,..,

17/01/2024

"Dahil sayo"

Noon akala ko sa kanya na umiikot ang mundo,
Walang segundo na di sya sumagi sa isip ko,
Sa bawat pagpintig ng puso kong ito,
Pangalan nya ang itinatangi ko,
Minamahal ko sya at yan ay totoo,
Ngunit iba ang kanyang gusto,
Sobrang sakit ng naranasan ko,
Simula noong siya'y ibigin ko,
Nagpakatanga at nagpakagago,
Sa pagbabakasakaling may siya at ako,
Ngunit batid ko ang lugar ko,
Isang panakip butas lang ako,
Lubos ang lungkot na nadarama,
Kaya pinalaya ko na lamang sya,
At sana wag na syang paluhain pa,
Ng taong minamahal nya,
At sa buhay ko'y dumating ka,
Sa panahong kinakalimutan ko na sya,
Pinadama mo sa akin ang pagpapahalaga,
Pagmamalasakit,at pag aalala,
Dahil sayo nalilimutan ko na,
Ang sakit na dulot nya,
Ngunit ako'y di umaasa,
Sapagkat batid kong para ka sa iba,
Masaya akong nariyan ka,
Na nagpapaalala sa akin sa twina,
Ng mga bagay na minsan nalilimutan ko na,
At wag mong isipin na ginagamit lang kita,
Dahil sayo nakakangiti na ulit ako,
Dahil sayo minahal ko ulit ang sarili ko,
Dahil sayo kaya ko ng tingnan ang kanyang litrato,
Ng hindi lumuluha ang mga mata ko,
Ngunit alam ko na mawawala karin sa buhay ko,
Pansamantala ka lang lalagi at iiwan din ako,
Kaya di ko hahayaan na mahulog sa'yo,
Sapagkat ayoko ng magk**ali ulit ang puso ko,..,..,.

17/01/2024

"Hanggang sa Huli"

Simula ng ikaw ay makilala ko,
Naging masaya ang aking mundo,
Sa bawat oras ay naiisip ko,
Ang mga ngiti sa labi mo,
May kakaibang ganda sayong mata,
Na parang sa akin ay humahalina,
Na tila ba isang gayuma
Dahil biglang minahal kita
Di man batid kung masusuklian ba
Ang aking pag ibig na nadarama
Ngunit di mapipigilan ang pagsinta
Kaya ako ay susugal na
Palarin man na suklian mo
Ang pag ibig na nadarama ko
Ay may hihilingin ako
Na sana kung magiging tayo
Hanggang sa huli ay mahalin mo
Ang isang katulad ko
Na tunay na nagmamahal sayo
Isa lang akong simpleng tao
Subalit maipapangako ko
Hindi ka luluha sa piling ko
Magbago man ang lahat sa mundo
Hanggang dulo makakasama mo ako
Hanggang sa huli ika'y mamahalin ko
Sapagkat ang pagsinta ng tulad ko
Ay wagas,tapat at totoo
Na hindi magbabago
Hanggang sa huli ikaw at ako.,.,..,

17/01/2024

"Payaso"

Kay sarap tumawa at magpasaya ng iba
Dahil sa gawing ito nalilimutan ang problema
Hindi man ito ang tunay na nadarama
Ako lang naman ang nakakaalam
At walang ibang nakakakita
Kakaibang kasuotan At kakatwang peluka
Isang masayang ngiti Sa mukha ipininta
Kay gandang pagmasdan ng aking pigura
Mapapangiti ang sino mang makakita
Ngunit sino bang may p**i alam
Sa tunay na nadarama
Na halos bumuhos ang luha Kapag nag iisa
Wala kasing nagtatanong
Kung ako'y kumusta
Masaya ka pa ba o pagod kana?
Yan ang nais marinig sa mga labi nila,
Kahit munti lamang na pag aalala
Sa kanila ay makita o kaya ay madama
Na hindi iniisip ang kikitaing pera
Sa bawat pagtatapos ng isang programa
Programang puno ng halakhakan at saya
Sapagkat ako ay isang payaso
Trabaho ay magpaligaya
Ng mga batang paslit at mga bisita
Sa isang handaan na napakasagana
At minsan ako'y nakakarinig pa
Ng pangungutya buhat sa kanila
Dahil sa aking itsura na sa kanila'y nagpapasaya
Kahit na ang ngiti sa mukha nakapinta
Ang tunay na nadarama
Sinisimbolo ng luhang nak**arka
Sa ibabang gilid ng aking mga mata
Isang patunay na ang propesyon ko
Hindi man kahalintulad sa ibang tao
Ngunit ang bawat nilalang sa mundo
Ay maituturing na isang payaso
Kahit nahihirapan ng todo
Nakangiting hinaharap ang mundong magulo
Kahit na ganito ang larangang pinili ko
Ito ay ipinagmamalaki ko
Sapagkat nagiging daan ito
Upang panandaliang madama ko
Na ako ay may silbi sa mundo
Kahit na nahihirapan ako
Patuloy na magpapatawa sa inyo
Dahil ang halakhakan at palakpakan nyo
Ang nagiging lakas ng loob ko
Na magpatuloy maging payaso
At itaguyod ang buhay ko

17/01/2024

"Aish*terou,Sayonara"

Minsan kailangan nating lumayo
Kahit masakit,
Maglalakad ng pasulong
Na nakapikit,
Malalasap ang mga luhang
Napakapait,
Pighating sa puso
Ay malalim na umukit,
Sa buhay natin ay natutunan ko,
Pag nagmahal ka wag todo-todo,
Sapagkat 'di lahat ng ibibigay mo,
Masusuklian o maibabalik sa'yo,
Dalawang salitang 'di dapat bigkasin,
Ngayon sa aking obra ay pangunahin,
Kung 'di kayang panindigan ay wag ng sabihin,
Mga salitang may mahalagang tungkulin,
Paalam,salitang di mo dapat bitawan,
Sa taong di mo kayang iwan,
Mahal kita,salitang di mo dapat banggitin,
Kung hindi naman nilalaman ng 'yong damdamin,
Ngunit paano nga ba,
Kung hindi tayo pwedeng dalawa,
Magpapaalam nalang ba,
Kahit minamahal kita.,..,

(mahal kita,paalam)

17/01/2024

"Solidong Samahan"

Noong ako'y nag-iisa,
Hindi alam saan pupunta,
Kayo lang ang aking nakasama,
Nakaramay ko sa problema,

Hindi nyo ko iniwanan,
At aking napatunayan,
Na totoo kayong kaibigan,
Solido ating samahan,

Magkaroon man ng tampuhan,
O simpleng di pagkakaunawaan,
Sa huli'y magkak**ayan,
Tanda ng muling pagkakaunawaan,

Kapag may problema ang isa,
Agad dadamayan ka,
Pagkat ang tunay na barkada,
Kasama sa hirap at ginhawa,

Salamat sa inyo mga tropa,
Kapatid ang turing sa bawat isa,
Solidong samahan ng barkada,
Aking maaalala magpantay man ang mga paa,.,.

17/01/2024

** Ikaw lang walang iba **

Ang magising sa umaga
na may kayakap sa k**a
ay napakasaya,
Lalo na siguro kung ikaw na ito,
Ngunit sa ngayon ako'y makukuntento,
Sa teddybear na iyong regalo,
Upang makatabi sa pagtulog ko,
Sa muli nating pagkikita,
Hahagkan at yayakapin ka,
Dahil ako'y nasasabik na,
Sa ating pagsasama,
Ngunit paano kita makakasama,
Kung nasa piling ka na ng diyos ama?
Tutuparin ko ang pangako sayo,
Na ang mga pangarap natin aabutin ko,
Upang ako'y maipagmalaki mo,
Sa sandaling ika'y makasama ko.
Sa puso'y walang iba,
Kundi ikaw lamang sinta,
Pangakong di lilimutin ka,
Maging lahat ng 'yong alaala.
Aking sinta pinak**amahal ka,
Kaya't dyan wag kang mag alala,
Hindi ako titingin sa iba,
Ang hanap ko sa'yo ko lang makikita.
Masaya na kong mag isa,
Kung di rin lang ikaw ang makakasama,
Wala akong p**ialam sa iisipin ng iba,
Basta para sakin ikaw lang talaga..

17/01/2024

"bakit nga ba?"

Simula ng ikaw ay makilala,
Tila ba may kakaibang nadarama,
Ang puso ko'y biglang naalarma,
At di na mawaglit sa ala ala,

Hanggang sa nakumpirma ko,
Na ako nga'y nahuhulog sayo,
Ngunit bakit at paano,
Walang sagot ang puso ko,

Ang araw ko ay nakukumpleto,
Marinig lamang ang tinig mo,
Ikaw lamang ang aking gusto,
Na ngayon ay makasama ko,

Sa pagmulat ng aking mga mata,
Ninanais na makita ka,
Ngunit aking na alala,
Ikaw pala ay di kasama,

Bakit nga ba palaging ikaw?
Ang nais ng mata'y laging tanaw,
At ang puso'y laging sigaw,
Tila pagsintang umaapaw,

Bakit nga ba?,
Lubos na minamahal ka,
Kahit batid kong hindi ako sya,
Na sa iyo ay magpapaligaya,

Paglubog ng araw ay minamasdan,
Sa pagpatak ang luha'y nag uunahan,
Nasasabik na sana'y makasama ka,
Sa gabi'y matulog ng kayakap ka,

Ang bawat sandali ng buhay ko,
Gusto kong iaalay sa iyo,
Buong pagmamahal at pag aasikaso,
Para lamang sa iyo,mahal ko

Address

Santa Rosa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arhyx a Dark Angel from Jupiter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Arhyx a Dark Angel from Jupiter:

Share