
11/06/2025
Sa agaran at buong pusong pagtugon sa panawagan ng Brigada Eskwela, nakiisa ang ating Kapitana na si Tin Aguilar sa pagbibigay ng tulong hindi lamang sa kanyang nasasakupang barangay, kundi maging sa iba't ibang barangay at paaralan.💚
Ang kanyang pakikiisa ay simbolo ng kanyang malasakit at pagsuporta sa adbokasiya ng kanyang ama na si Mayor-Elect Tupeng Aguilar—ang mapabuti ang kalagayan ng edukasyon sa buong Santa Rosa.💚
Sa Bagong Santa Rosa, walang pinipiling lugar ang tunay na serbisyo. Sama-sama sa layuning makapaghatid ng dekalidad na edukasyon para sa kabataan!☝🏻💚