23/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Hindi sumang-ayon si dating Taguig City Mayor Lino Cayetano sa sinabi ng kanyang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano na kailangang pagtuunan lamang ang flood control scam at mga maanomalyang flood control project.
Ayon kay Lino, dapat habulin ang lahat ng uri ng katiwalian dahil sa laki at lawak ng kapangyarihan ng gobyerno.
“Kaya natin habulin lahat. Nakakagalit at nakakagigil isipin na politicians want to “manage” this crisis by already thinking of compromises,” saad ng dating alkalde sa kanyang Facebook post nitong Martes, Oktubre 21.
Iginiit din niya na hindi lang dapat si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang humahabol sa kurapsyon: “and’yan ang LAHAT ng mga kalihim ng bawat departamento, ang NBI, ang PNP, ang DOJ, ang Ombudsman, at ICI, at and’yan din dapat ang Kongreso at Senado (eh pinatigil n’yo hearings eh!)”
“Let’s not allow these ideas by politicians to go mainstream. Huwag payagan mamili ang mga politiko kung ano’ng klaseng corruption ang bawal at huhulihin, at lalo ‘wag natin payagan ma-normalize ang corruption just because it is “everywhere”. Hindi guguho ang gobyerno if we GO AFTER ALL of them dahil MADAMING MATINO,” panawagan ni Lino.
“We don't need to know the end game. That's for politicians. We need to do what is right!! When we do what is right, it will LEAD our country to the right path,” dagdag pa niya.
(Source: https://www.facebook.com/share/p/17QAWET2aD/) "")