07/10/2026
🇵🇭 ELDERLY FILIPINO WEEK 2026 👵👴💙
Ngayong Oktubre 1–7, 2026, nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Santa Rosa, Nueva Ecija, sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026.
Sa temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan,” binibigyang-pugay natin ang ating mga minamahal na senior citizens—mga magulang, lolo at lola na naging haligi ng ating mga pamilya at mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ating pamayanan.
Patuloy nating itaguyod ang kanilang karapatan, dignidad, kalusugan, kapakanan, at aktibong pakikilahok sa lipunan. Maraming salamat po sa inyong karunungan, sakripisyo, pagmamahal, at mahalagang ambag sa ating bayan.
Mula sa pamunuan ni Mayor Christopher “Tupeng” Flores Aguilar, isang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng ating Senior Citizens ng Santa Rosa! ❤️
Mabuhay ang ating mga Nakatatandang Santa Rosenyo!
💙 Sa Bagong Santa Rosa, Lahat Kasama!