18/07/2026
Sa mundong puro digital, napakadali nang i-capture ang bawat sandali kasama ang mga taong mahal natin. Isang click lang, may larawan na. Pero darating ang araw na matatabunan din ang mga ito ng panibagong memories hanggang sa maging isa na lang silang file na nakatago sa storage ng iyong cellphone.
May kakaibang saya sa pagbabalik-tanaw. Ang maalala ang bawat lugar na napuntahan, bawat taong nakasama, at bawat kwentong nabuo. Yung tahimik kang uupo, bubuklatin ang bawat pahina, at biglang babalik ang lahat ang tawanan, ang masasayang usapan, ang masasarap na pagkaing pinagsaluhan, at ang mga lugar na gugustuhin mong balikan muli.
Bawat pahina ay may kwento. Bawat larawan ay may alaala.
Huwag nating hayaang manatili lang ang pinakamahahalagang sandali bilang mga file sa cellphone. Gawin natin silang mga alaalang maaari mong mahawakan, mabuklat, at maibahagi sa mga taong mahal mo ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.