
01/08/2025
BALITA: Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, pormal na sinimulan ng KAMPL
- Mark Bayang (COED Correspondent)
Pormal na sinimulan ang isang makabuluhan at makasaysayang selebrasyon para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” ngayong unang araw ng Agosto.
Mahusay itong pinangunahan ng mga miyembro ng Kapisanan ng mga Mag-aaral na nagtataguyod ng Pamanang Lahi o KAMPL ng Northeastern College (NC) kasama ang kanilang mga tagapayong masigasig na pinaghandaan ang programa.
Kasunod ng pagbubukas, inanunsyo ni Christian S. Azul, Pangulo ng KAMPL ang mga aktibidad para sa buong buwan ng Agosto, kabilang na ang Obra ni Juan, Tanaw Kasaysayan, Katutubong Himig at Filipi-Know.
Naghandog rin ng isang makulay na pagtatanghal ang mga estudyante ng Filipino Majors mula sa College of Education upang makibahagi at maipakita ang lubos nilang pagkilala at pagmamahal sa Kultura, tradisyon, sining at ipinagmamalaki nating lahi.
Ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay alinsunod sa proklamasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang itaguyod ang pangangalaga at pagpapaunlad ng wikang pambansa at mga katutubong wika sa bansa. #
Larawan nina Hanz Yu, Caly Agonoy, Rence Guevara, Bryan Dilla
----------------------------------------
For more updates, follow us on our official social media accounts.
Youtube/Facebook: Intelligencer's The Minter
Tiktok/Instagram:
Email: [email protected]
'sTheMinterDIGITAL