
19/09/2025
𝗡𝗔𝗦𝗔 𝟴𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 ₱𝟭𝟮,𝟬𝟬𝟬 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗜𝗦𝗔
SANTIAGO CITY — Natanggap na ng walong daan (800) na estudyante sa lungsod ng Ilagan ang educational assistance mula sa Pamahalaang Lungsod at Department of Labor and Employment (DOLE) Isabela.
Tumanggap ang bawat isang mag-aaral ng nasa kabuuang ₱12,300 kung saan ₱4,920 dito ang ipinamahagi ng DOLE habang ₱7,380 naman ang ipinagkaloob ng LGU Ilagan.
Ang mga estudyante ay sumailalim sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng ahensya kung saan itinalaga ang mga ito sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan bilang interns.
Isinagawa ang pay-out nitong araw ng Miyerkules, Setyembre 17, sa Ilagan Community Center.
Ang nasabing programa ng ahensya upang magbigay agapay sa mga kabataan para sakanilang pag-aaral at makakuha ng karanasan at kasanayan habang ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.
Naglaan naman ang lokal na pamahalaan ng Ilagan ng nasabing tulong pinansyal na layong makatulong sa gastusin hindi lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga magulang at sa patuloy nitong adhikain na sa lungsod ng Ilagan ay walang sektor ng lipunan ang mapag-iiwanan.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Yes2Health Products: