07/06/2025
๐
๐๐๐๐๐๐ | Mula sa Pawis, Papuntang Entablado
๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐: Isang salitang parang napakalayo, parang panaginip na hindi ko sigurado kung magigising pa akong natupad na. Tuwing nakikita ko ang mga nagsisipagtapos, suot ang kanilang toga, hawak ang diplomang patunay ng kanilang pinagdaanang hirapโmay bumubulong sa isip ko:
"Ako kaya? Darating din ba ang araw na makakamit ko ito? Na balang araw, tatayo ako sa entabladong โyan, habang umiiyak sa tuwa ang mga magulang kong kay tagal nang nagsasakripisyo?"
Pero sa likod ng pangarap na ito, may realidad na bumibigat sa dibdibโang sakripisyo. Hindi lang ito tungkol sa walang tulugang gabi, sa mga pagsusulit na halos ikawala ko na ng bait, sa mga gurong mahigpit na parang mundo ko na ang kanilang klase. Hindi lang ito tungkol sa pagod ng utak, kundi pati sa kirot ng pusoโsa panonood sa aking mga magulang na nagsasakripisyong higit pa sa kakayanin nila, para lang maipagpatuloy ko ang aking edukasyon.
Ang pagtatapos ay higit pa sa isang diplomaโito ay isang panata, isang sumpang hindi kailanman dapat mabali. Sa likod ng lahat ng pagsubok, sa bawat gabing pinupuno ng pag-aalinlangan, sa bawat patak ng luha dahil sa sakripisyo ng aking mga magulangโwala akong ibang pagpipilian kundi ang muling bumangon, muling magsikhay, muling ipaglaban ang pangarap na hindi lang para sa akin, kundi para sa kanila. Kitang-kita ko ang pagod sa kanilang mga mata, ang bigat ng kanilang katawan sa bawat hakbang pauwi, ang pagnipis ng kanilang pangangailangan para lang maisingit ang pambayad sa matrikula. Nakikita ko rin kung paano nila kinakalkula ang bawat sentimoโkung paano sila natutong magtiis at magtipid.
Sa mundong puno ng mga kabataang tinanggalan ng pagkakataong makapag-aral, sa mga matatandang kailanman ay hindi nabigyan ng pribilehiyong abutin ang pangarap sa pamamagitan ng edukasyonโmapalad pa ako. Mapalad pa ako sapagkat may mga taong walang pag-aalinlangang naniniwala sa akin, handang itaya ang kanilang oras, lakas, at pangarap para sa aking kinabukasan. Kaya't walang karapatan ang aking mga kamay na bumitiw. Kung pagbubuti sa pag-aaral ang tanging paraan upang masuklian ang kanilang walang kapantay na sakripisyo, ipaglalaban ko ito sa bawat hininga, sa bawat pagkakataon.
At sa araw ng aking pagtatapos, hindi lamang ako ang magtatagumpayโito'y isang tagumpay na hinabi mula sa kanilang pawis, sa kanilang mga pagod na gabi, sa kanilang walang sawang pagtitiis. Sa araw na iyon, hindi lang ako ang may diplomaโsila rin. Sapagkat bawat letra sa aking pangalan ay may kwento ng paglaban, ng pag-asa, at ng walang kondisyong pagmamahal.
Ito ang panata ko, hindi lang para sa sarili kong kinabukasan, kundi para sa kanilaโpara sa lahat ng sakripisyong kailanman ay hindi ko kayang tumbasan, ngunit sa bawat araw ng aking buhay, hindi ako titigil sa pagsubok.
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ, ๐๐๐ญ๐๐ก ๐๐๐๐-๐๐๐๐!๐โจ
____________________
Isinulat ni: Dorothy Grace V. Del Rosario
Dibuho ni: Dorothy Grace V. Del Rosario