Life Radio 1179khz AM- NorthernLuzon

Life Radio 1179khz AM- NorthernLuzon LIFE RADIO (1179 kHz) is a commercial AM radio station with 200 foot tower
broadcasting at 10K watts

08/09/2026

PANOORIN: Mula sa pagkilala sa mga lingkod-bayan hanggang sa pagpapalakas ng cybersecurityโ€”tampok sa Civil Service Month 2026 ng LGU Ilagan ang mga hakbang tungo sa mas mahusay at ligtas na serbisyo publiko.


Inaresto na kahapon si dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Martin Romualdez matapos maglabas ng arrest warra...
08/09/2026

Inaresto na kahapon si dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Martin Romualdez matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan Third Division kaugnay ng โ‚ฑ7.4-bilyong plunder case. Isinilbi ang warrant sa loob ng Cardinal Santos Medical Center, kung saan naka-confine si Romualdez matapos umanong makaranas ng cardiovascular complication.

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na si Romualdez ay itinuturing nang Person Deprived of Liberty (PDL) habang nasa kustodiya ng pamahalaan sa ospital. Walang inirekomendang piyansa ang korte dahil ang plunder ay isang non-bailable offense, at naglabas din ng hold departure order (HDO) laban sa kanya at sa mga kapwa akusado.

Bukod kay Romualdez, kasama sa mga pinaaaresto sina Joselyn Tragua Serenio, personal assistant ni Romualdez, at Felicito Cristobal Guevarra, presidente ng Samchan Foreign Exchange Corporation. Ayon sa kampo ni Romualdez, maaaring na-pressure lamang si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan para idawit ang dating House Speaker sa iskandalo, at humiling sila ng impormasyon hinggil sa 28 bagong witness.

Sumailalim sa Ambulance Operations Management Training Course ang 65 responders mula sa tatlong istasyon ng Rescue 116 n...
08/09/2026

Sumailalim sa Ambulance Operations Management Training Course ang 65 responders mula sa tatlong istasyon ng Rescue 116 ng LGU Baggao na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang Philippine Red Cross. Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga responder sa tamang pamamahala ng ambulansya at pagbibigay ng mabilis, ligtas, at pre-hospital care sa mga pasyente.

Ayon kay Marivel Orje, Chief ng Training Section ng PDRRMO, tampok sa pagsasanay ang skills demonstration, table-top exercises at rotational examination ng mga kalahok, kabilang ang paggamit ng vital signs at diagnostic devices, oxygenation at suctioning, triage, pagsasagawa ng Pre-Hospital Patient Care Report, splinting at immobilization, basic extrication, transfer devices management, at tamang loading at unloading ng pasyente sa ambulansya. Sa huling araw, isinagawa ang simulation exercises upang masukat ang kahandaan ng mga responder sa aktuwal na sitwasyong nangangailangan ng mabilis na tugon, maayos na koordinasyon, at wastong pangangalaga.

Umaasa si Orje na magsisilbing dagdag na kakayahan ang naturang pagsasanay upang higit pang mapalakas ang emergency response at ambulance services ng Rescue 116 sa Baggao, lalo na sa panahon ng mga aksidente, medical emergencies, at iba pang insidente.

๐Ÿ“ทCagayan Provincial Information Office

Nagsanay ang Department of Trade and Industry (DTI) Quirino Provincial Office sa mga micro, small, and medium enterprise...
08/09/2026

Nagsanay ang Department of Trade and Industry (DTI) Quirino Provincial Office sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) hinggil sa financial management at paggamit ng artificial intelligence (AI) tools sa isinagawang training noong Agosto 19 sa Abrasa MPC Function Hall.

Ayon kay Provincial Director Rowena F. Mayangat, layunin ng programang โ€œUnlocking MSME Potential Through BSP x BDO Insights and DTI x ILO AI Toolsโ€ na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na negosyante sa pamamahala ng pananalapi at paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapalago ang kanilang negosyo. Tinalakay sa pagsasanay ang mga module mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at BDO Foundation, kabilang ang entrepreneurial mindset, pagtukoy ng kapital, estratehiya sa pagpapalago ng kita, at exit strategy.

Nagbigay rin ng oryentasyon ang Small Business Corporation sa P3 Financing Loan Program para sa dagdag na kapital ng MSMEs. Sa ikalawang bahagi, ipinakilala ang mga mobile-based AI applications mula sa International Labour Organization (ILO) guide, kasama ang tamang paggamit ng teknolohiya, cybersecurity measures, at mga konsiderasyon para sa mga lugar na may limitadong internet.

Natapos ang aktibidad sa isang interactive workshop kung saan sinubukan ng mga kalahok ang AI tools, at sinundan ng pamamahagi ng certificates of participation. Giit ni Mayangat, magpapatuloy ang DTI Quirino sa pagbibigay ng capacity-building activities upang higit pang mapalakas ang MSMEs sa lalawigan.

๐Ÿ“ทDTI Quirino

Mas pinatibay ng Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao ang kakayahan nitong tumugon sa mga emerhensiya sa pamamagitan ng bag...
08/09/2026

Mas pinatibay ng Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao ang kakayahan nitong tumugon sa mga emerhensiya sa pamamagitan ng bagong โ‚ฑ20-milyong mobile command center, na unang ginamit sa pagbubukas ng 2026 Bar Examinations sa Cagayan State University, Carig Campus.

Ang pasilidad ay nagbibigay-daan sa mga ahensya ng pamahalaan at emergency responders na magtatag ng operational base on-site, na may kakayahang mag-monitor ng sitwasyon, makipag-ugnayan sa field personnel, at magdesisyon nang mabilis.

Ayon kay Jonathan Marcelo ng Tuguegarao City Command Center, ito ang ikalawang unit sa Region 2 matapos ang Cauayan City, at inaasahang magiging mahalaga sa malalaking kaganapan at disaster response. Sinanay ang mga tauhan ng DOST MOCCOV team mula Manila sa loob ng dalawang araw matapos maideliver ang unit.

May tatlong functional areas ang deployable tent: mini command center, kitchen, at staging area. Pinapagana ito ng hybrid power system gamit ang baterya, solar panels, at wind turbine. Mayroon din itong weather station, cameras, radio antenna, at internet connectivity sa pamamagitan ng Starlink, na nagbibigay ng matatag na koneksyon kahit sa liblib na lugar.

Samantala, nakatakdang magkaroon din ng sariling mobile command center ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan bago matapos ang taon, ayon kay Zenart Villamar ng PDRRMC.

Ang deployment ng mobile command center ay isang makabuluhang hakbang sa pagpapalakas ng kahandaan at kakayahan ng Tuguegarao City sa pagtugon sa mga sakuna at malalaking kaganapan.

๐Ÿ“ทPIA Cagayan Valley

08/09/2026

๐Œ๐”๐’๐ˆ๐Š๐€๐‡๐€๐๐Ž๐ | ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐ŸŽ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐€ ๐’๐€๐…๐„๐‘ ๐๐‹๐€๐‚๐„ ๐“๐Ž ๐‹๐„๐€๐‘๐: ๐”๐ง๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง, ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐•๐ข๐จ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ŸŽ™๏ธ ( ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ)

Sa school, sa bahay, online - ang bawat bata deserve ng safe space para matuto at lumaki. Alamin at unawain natin importance ng violence prevention para sa mga kiddos natin. Super relevant nito para sa ating lahat.

Tara, gawa tayo ng positive change at tumututok sa Thursday episode ng ๐Œ๐”๐’๐ˆ๐Š๐€๐‡๐€๐๐Ž๐, 1-3PM. Dito lang sa ๐—Ÿ๐—ถ๐—ณ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ - ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ ๐—ง๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ผ!



08/09/2026

PANOORIN | Bilang isang maritime at archipelagic nation, mahalaga ang karagatan sa buhay ng bawat Pilipinoโ€”mula sa kabuhayan at ekonomiya hanggang sa pambansang seguridad at kaunlaran.

Ngayong Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo), alamin ang kahalagahan ng ating karagatan at ang mga hakbang upang higit itong mapahalagahan at mapangalagaan.

Makakasama natin si NICA Region 2 Deputy Regional Director Remus Rabara upang talakayin ang mahahalagang usapin hinggil sa ating karagatan, maritime identity, at seguridad ng bansa.




07/09/2026

๐’๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ ๐๐† ๐๐ˆ๐˜๐€๐˜๐€ | ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐ŸŽ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐™‹๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ง ๐™‡๐™ฎ๐™ฃ๐™™๐™ค๐™ฃ ๐˜ฟ๐™–๐™ฃ๐™ค๐™ค๐™œ

Halina't pakinggan ang dalisay na SALITA ng Dios na naghahatid ng tunay na BIYAYA!



Ngayong araw, personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ongoing construction ng Marikina River L...
07/09/2026

Ngayong araw, personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ongoing construction ng Marikina River Linear Park sa Barangay Sto. Niรฑo, Marikina City.

Sa naturang inspeksyon, tinalakay ang progreso ng 11-kilometrong linear park na bahagi ng 428.57 ektarya ng urban green spaces. Ang proyekto ay idinisenyo upang magsilbing:
- Bio-shield at localized flood buffer laban sa pagbaha
- Natural cooler para sa kapaligiran
- Physical barrier laban sa illegal waste dumping

Layunin nitong maprotektahan ang mga komunidad at mabawasan ang panganib ng pagbaha, habang nagbibigay ng mas maayos na espasyo para sa kalikasan at mamamayan.

๐Ÿ“ทPresidential Communications Office๏ปฟ

๐ƒ๐Ž๐„: ๐๐š๐ง๐ข๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐จ๐ข๐ฅ ๐ฉ๐ซ๐ข๐œ๐ž ๐ก๐ข๐ค๐ž ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ–Muli na namang mararamdaman ng mga motorista ang bigat ng presyo ng langis....
07/09/2026

๐ƒ๐Ž๐„: ๐๐š๐ง๐ข๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐จ๐ข๐ฅ ๐ฉ๐ซ๐ข๐œ๐ž ๐ก๐ข๐ค๐ž ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ–

Muli na namang mararamdaman ng mga motorista ang bigat ng presyo ng langis. Ayon sa inilabas na oil price adjustment ng Department of Energy (DOE), simula Martes, Setyembre 8, 2026, tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo:

Diesel: โ‚ฑ5.18 kada litro ang dagdag-presyo

Gasolina: โ‚ฑ4.69 kada litro ang dagdag-presyo

Kerosene: โ‚ฑ5.58 kada litro ang dagdag-presyo

Nananatiling pangunahing dahilan ng oil price hike ang paggalaw ng pandaigdigang presyo ng langis bunsod ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan, na patuloy na nakaapekto sa supply chain.

Address

Purok Nieto Brgy Batal
Santiago

Telephone

+639173271962

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life Radio 1179khz AM- NorthernLuzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Life Radio 1179khz AM- NorthernLuzon:

Shortcuts

Share